Jinkee Pacquiao, humingi ng dispensa sa maling flag na nagamit niya sa IG Story
- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang maling flag na emoji na ginamit ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram stories
- Ito ay nang batiin niya ang unang Pinay Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz sa tagumpay nito
- Imbes na bandila ng Pilipinas, bandila ng bansang Sint Maarten ang kanyang nagamit
- Minabuti ni Jinkee na humingi ng dispensa sa pamamagitan ng kanyang Instagram post
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos mag-viral ang screenshots ng kanyang Instagram stories kaugnay sa maling flag na kanyang nagamit sa kanyang pagbati kay Hidilyn Diaz sa pagkakapanalo niya ng gold medal sa Olympics, minabuti ni Jinkee Pacquiao na humingi ng dispensa.
Congratulations Hidilyn Diaz. You make us proud! ✨ #philippines
Aniya, mali lang ang napindot niyang flag at hindi niya sinadya iyon.
Pasensya na po sa mali na flag ang napindot ko sa ig stories ko kahapon. (forgive me #philippines ) That was unintentional. Love you all! God is good!
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Jinkee Pacquiao ay nagtrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.
Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.
Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.
Dahil sa kanyang magarbong buhay, naibabahagi minsan ni Jinkee ang ilang mga bagay sa social media. Hindi man naging positibo ang pagtanggap ng iilan sa kanyang mga ipinapakita, pinatunayan ni Jinkee na hindi siya apektado sa mga pambabatikos sa kanya.
Kabilang ang aktres na si Agot Isidro sa pumuna sa kanyang pagbahagi ng kanyang mamahaling gamit sa social media. Pinayuhan si Jinkee ng aktres na maging sensitive naman sa mga taong naghihirap sa gitna ng pandemya.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh