Paalala ng netizen sa mga madalas magreklamo sa internet connection, viral
- Viral ngayon ang post ng isang netizen na nagbigay paalala sa mga madalas umanong magreklamo sa kanilang mga internet connection
- Kamakailan ay halos walang humpay ang pag-ulan na siyang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng problema sa internet connection
- Dahil marami ang kasalukuyang naka-work from home at malaking bagay ang internet sa mga trabaho, malaking abala ang kawalan ng maayos na koneksyon
- Ngunit minsan umano, nakalilimutan daw ng iba na mga tao rin at mayroong mga pamilya ang mga nagsasa-ayos ng koneksyon na maaring mapanganib din para sa kanilang kaligtasan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sapul sa karamihan ng mga netizens ang paalala ni Mariya Elena patungkol sa mga mabibilis magreklamo tuwing nawawalan ng maayos na internet connection.
Nagbigay paalala si Mariya Elena na huwag sanang basta na lamang magagalit sa mga empleyado ng internet service provider lalo na at tila nakakalimutan ng iba na mga tao rin ang mga ito na may pamilyang nag-aalala.
Kamakailan, walang humpay ang pag-ulang nararanasan ng ilang bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.
Dahil dito, hindi naiiwasang magkaroon ng problema sa mga internet connection na nagiging abala sa mga nagtatrabaho sa kani-kanilang tahanan.
At dahil umano sa aberya, naibubunton ng ilan ang kanilang init ng ulo sa kawalan ng internet na hindi naman inaasahan.
Ngunit paalala ni Mariya, isaalang-alang din natin ang kaligtasan ng mga gagawang technician.
"May mga pamilya din sila na nag aalala para sa kaligtasan nila at nagdadasal na sa tulong ng Lord ay makauwi sila ng ligtas"
Paalala rin ni Mariya na magbigay ng respeto sa mga empleyadong akala lamang ng iba ay papanhik sa mga poste o bubong para mag-ayos ng internet connection ngunit hindi alam ng iba na ang ilan sa mga ito at mga engineers din.
Kaya naman nagbigay pugay din si Mariya sa mga empleyado ng internet providers na handang suungin ang bagyo o anuman sakuna, maisaayos lang ang inaasahang serbisyo ng marami.
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panahon ngayon, lalo na nang magsimula ang pandemya, malaking bagay talaga ang pagkakaroon ng sariling internet connection ng bawat tahanan.
Karamihan na rin kasi ngayon ay nasa 'work from home' set-up upang malimitahan pa rin ang madalas na paglabas ng bahay at hindi mahawa sa kumakalat pa rin na COVID-19.
Bagaman at mayroon nang vaccine, mainam pa rin ang mag-ingat at huwag pa ring madalas na lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh