Madam Kilay, kinaaliwan sa kanyang pahayag kaugnay sa party na may pa-lechon
- Kasunod ng pag-viral ng live video ng isang food supplier, hindi napigilan ni Madam Kilay na maghayag ng kanyang opinyon kaugnay sa isyu
- Hindi niya diretsahang tinukoy ang kanyang pinatutungkulan ngunit ang hirit ni Madam Kilay ay tungkol sa taong hindi nagbayad ng handang pagkain
- Matatandaang viral sa kasalukuyan ang video ng food supplier na sumugod sa bahay ng isang customer na tumangging magbayad ng balanse
- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang supplier at siniguro naman ni Idol Raffy na siya ang magbibigay ng abogado sa supplier na kakasuhan umano ng nasabing customer
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naaliw sa banat ni Madam Kilay kaugnay sa taong nagpa-party umano ngunit hindi pa pala bayad ang handa.
Paalala ni Madam, kung sinuman ang mag-iimbita sa kanya sa party at may pa-lechon, siguraduhin daw na fully paid ang pagkain bago siya pakainin.
Basta PAG ININVITE NYO AKO SA PARTY NA MAY PA-LECHON SIGURADUHIN NYONG FULL PAID NA YUNG FOOD Package na Inorder nyo HA! Bago nyo ako PAKAININ ✌️
Wag Nyo ko daanin SA CHANEL na kwintas Tapos hindi pa pala bayad ang mga handa BUDULERA KAYO
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Unang nakilala si Madam Kilay dahil sa kanyang nakakatuwang Facebook Video kung saan iba-iba ang hugis ng kanyang kilay kaya siya tinawag bilang Madam Kilay. Si Jinky Anderson sa totoong buhay ay minsan na ring napanood sa telebisyon nang mapasali siya sa Eat Bulaga at iba pang TV shows.
Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.
Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh