Buboy Villar, sobrang hands-on sa kanyang paresan; pinatos pati pagdedeliver
- Isa si Buboy Villar sa nagsilbing inspirasyon sa mga taong kasalukuyang nakakaranas ng hirap ng buhay
- Sa kabila kasi ng kanyang kasikatan bilang isang artista at komedyante, malaki na rin ang bilang ng kanyang YouTube subscribers
- Bukod pa dito ay nagnegosyo siya at malaki ang kanyang pasasalamat na nakakatulong ang kanyang paresan para sa kanyang pantustos sa kanyang mga anak
- Sa kanyang bagong vlog ay siya mismo ang nagdeliver ng mga order matapos magpahinga ng kanilang rider
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muling pinatunayan ni Buboy Villar ang kanyang pagiging hands-on at dedikasyon sa kanyang negosyong Paresan ni Bok.
Matapos nga mapag-alamang wala silang tagahatid ng mga orders nila dahil nagpahinga ang kanilang rider, hindi niya inurungan ang hamon at siya mismo ang naging deliver rider.
Marami ang naaliw at humanga sa pagiging masikap niya sa kabila ng tagumpay na tinatamasa niya sa kanyang showbiz career at maging sa kanyang YouTube channel.
Matatadaang naikwento ni Buboy na noong bata siya, bago pa man siya naging artista ay pagiging basurero ang kanilang ikinabubuhay ng kanyang pamilya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.
Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.
Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.
Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.
Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh