Reaksyon ng ina ng malamang licensed pharmacist na ang anak, viral

Reaksyon ng ina ng malamang licensed pharmacist na ang anak, viral

- Viral ngayon ang reaksyon ng isang ina nang malamang lisensyadong pharmacist na ang kanyang anak

- Talagang napapalakpak ang ina sa gulat nang sinabi ng anak ang napakagandang balita

- Hindi na rin nito naiwasang maging emosyonal at napakapit sa kamay ng anak

- Isa rin pala itong registered pharmacist at siyang naging inspirasyon ng anak upang sundan ang mga yapak ng ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang naging reaksyon ng ina ng netizen na si Amonnah Jade Montañer Sml.

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang video ni Amonnah kung saan ipinakita niya ang reaksyon ng kanyang ina nang sabihin niyang isa na siyang registered pharmacist.

Kasalukuyan sila noong nasa sasakyan at nasa unahan niya ang kanyang ina.

Reaksyon ng ina ng malamang licensed pharmacist na ang anak, viral
Ang priceless reaction ng ina ng licensed pharmacist (Photo credit: Amonnah Montañer Sml)
Source: Facebook

Nang sabihin na ni Amonnah ang magandang balita, nagulat at napapalakpak ang kanyang nanay sa tuwa.

Read also

Video ng lalaking hindi nakatiis at nanghingi ng candy sa kasakay sa van, viral

Hindi rin nito naiwasang maging emosyonal at hinawakan ang kamay ng noo'y naluha na rin na si Amonnah.

Isa ring pharmacist ang kanyang nanay na siyang naging inspirasyon niya na tahakin din ang parehong propesyon.

Sa kanyang viral post, pinasalamatan din niya ang ina sa lahat ng klaseng suporta na naibigay nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na sa kabila ng kinakaharap nating pandemya mayroon pa rin na mga bagay na nagbibigay sa atin ng pag-asa.

Tulad ni Amonnah na nakamit ang tagumpay sa kabila ng kabi-kabilang problema dahil sa COVID-19, isang estudyante ang nakatapos ng kolehiyo sa kabila ng pagiging isang jeepney driver sa umaga.

Talagang nahati niya ang kanyang oras sa pamamasada at ang pagpasok sa unibersidad kung saan tinustusan ang sariling pag-aaral upang hindi na mahirapan ang kanyang mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica