Toni Gonzaga, napasabak sa matinding English challenge ni Basel Manadil

Toni Gonzaga, napasabak sa matinding English challenge ni Basel Manadil

- Matapos makapanayam ni Toni Gonzaga ang YouTuber na si Basel Manadil, hindi pinalampas ng vlogger na maka-collab din ang TV host

- Sa kanyang sariling YouTube channel, ibinahagi ni Basel ang kanyang challenge para kay Toni

- Pina-translate niya kay Toni ang ilang mga nakakalitong tagalog words at phrases

- Kinaaliwan naman ng mga viewers ni Bassel ang pakikipagbiruan nito sa TV host

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Basel Manadil na makasama sa kanyang vlog ang batikang TV host at actress na si Toni Gonzaga. Ito ay matapos niyang magpaunlak ng isang panayam sa online show ni Toni na Toni Talks.

Toni Gonzaga, napasabak sa matinding English challenge ni Basel Manadil
Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Ilang mga salitang Tagalog ang pina-translate ni Basel kay Toni sa English. Hindi naman ito inurungan ni Toni at sinubukan niyang sagutin ang mga tanong ng Syrian na vlogger na kamakailan ay tuluyan na ngang naging ganap na Filipino citizen.

Read also

Gelli De Belen, biglang napakanta si Ariel Rivera dahil sa dare ni Aiko Melendez

Narito ang reaksiyon ng kanyang mga subscribers:

Toni's vlog was serious muntik pa ako maiyak kanina and yet your vlog now was so funny ..so iyak tawa nalang ako
I have so much fun while watching this vlog. Youre so funny and Tony is entertaining
I really enjoyed watching u Basel having fun with Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga. Sa unang bahagi ng panayam sa kanya ng kilalang YouTuber na si Wil Dasovich, nabanggit ni Toni na hindi pera ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pagiging YouTube content creator.

Matapos ang pagsara ng ABS-CBN, marami sa mga artista ang napilitang gumawa ng YouTube content para kahit papaano ay may pagkakakitaan na rin.

Read also

Sunshine Cruz, ipinagdiwang ang kanyang ika-44 na kaarawan

Unti-unti ngayong nakikilala ng Toni Talks segment ni Toni kung saan nag-iinterview siya ng ilang mga sikat na mga celebrites kagaya na lamang kanyang kapatid na si Alex, ang mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo at kamakailan lang ay si Melai Cantiveros.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel