Julia Montes at Coco Martin, kinakiligan sa sweet moments nila off-cam

Julia Montes at Coco Martin, kinakiligan sa sweet moments nila off-cam

- Kinakiligan ng mga tagahanga ng tambalang Coco Martin at Julia Montes ang mga lumabas na sweet moments ng dalawa

- Kuha umano ito sa shooting ng bago nilang movie sa Oriental Mindoro na kamakailan ay napabalita

- Sa isang video clip ay makikita ang dalawa na nakaupo at nag-uusap hanggang sa inabot ni Julia ang isang panyo na pinamunas naman ni Coco

- Matagal nang naging usap-usapan na magkarelasyon ang dalawa sa tunay na buhay ngunit wala pang inilalabas na diretsahang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinakiligan ng mga fans ang mga lumabas na video na kuha sa shooting ng bagong pelikula nina Coco Martin at Julia Montes. Ilang video clips ang naibahagi ng netizens sa Twitter.

Julia Montes at Coco Martin, kinakiligan sa sweet moments nila off-cam
Julia Montes (@montesjulia08)
Source: Instagram

Makikita sa isang video ang dalawa na nakaupo habang nag-uusap. Maya-maya pa ay binigay ni Julia ang pamunas kay Coco na pinamunas din nito.

Read also

Liezel Lopez, sinabing nakipaghiwalay na kaya hindi kasama sa Bohol

Mayroon pang video clip na kuha naman habang magkaangkas sila.

Sa kabila ng matagal nang mga bali-balita sa dalawa, walang pag-amin o pag-deny mula sa kanila kaya lalong marami ang naintriga kung may relasyon nga ba sila.

Matapos nga aminin ni Julia kamakailan na may nagpapasaya sa kanyang puso, ilang beses silang namataang magkasama ni Coco Martin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Hindi tinatago ng aktres ang kanyang pagsuporta sa napapabalitang karelasyon sa muling pagbabalik ng FPJ's Ang Probinsiyano matapos matigil ang pagpapalabas nito kaugnay sa naganap na lockdown at pati na rin ng pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Read also

Kim Chiu at Dani Barretto, nagkasukatan kung sino ang mas nakakakilala kay Bela

Walang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila kaugnay sa balitang lumabas na diumano'y nagkaroon na sila ng anak at hindi pa lamang nila umano isinasapubliko ang tungkol dito.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel