Willie Revillame, ilalabas umano ang kanyang desisyon sa takdang panahon

Willie Revillame, ilalabas umano ang kanyang desisyon sa takdang panahon

- Sa isang episode kamakailan ng programang Wowowin, may makahulugang pahiwatig si Willie Revillame

-Aniya, may nakatakda siyang ilalabas na anunsiyo sa kanyang programa kapag nakapag-desisyon na siya

- Sinabi din nito na kung sino man ang pumalit sa kanya bilang host ay sana ay tuloy-tuloy pa rin ang programang Wowowin

- Patuloy umanong pinagdadasal at pinag-iisipan niya ang mabigat na desisyon na kailangan niyang gawin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpahayag ng makahulugang pahayag si Willie Revillame kaugnay sa isang mabigat na desisyong kailangan niya umanong gawin.

Patuloy umano niyang pinag-iisipan at pinagdadasal ang tungkol sa kanyang gagawing desisyon.

Willie Revillame, nakatakdang maglabas ng malaking desisyon
Charo Santos (L) and "Wowowee" host Willie Revillame (R) wait inside the office at the department of local goverment office in Manila 05 February 2006.(Photo from JOEL NITO/AFP)
Source: Getty Images

Aniya, makakaasa ang kanyang manunuod na sasabihin niya sa takdang oras ang kanyang pasya. Gayunpaman, gusto daw niyang kung sakaling mayroong ibang papalit sa kanya bilang host, sana ay tulo=tuloy ang kanyang nasimulan.

Marami ang napaisip kung may balak bang lisanin ng TV host ang Wowowin matapos ang kanyang binitawang mga salita.

Read also

Pagdalo sa graduation ng pumanaw na college student, tinupad pa rin ng pamilya

Mayroon ding napapaisip na maaring tatakbo ito at kailangan niya iyong pagtuonan ng pansin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.

Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.

Read also

Sherilyn Reyes, idinetalye ang aksidenteng dinanas sa bahay nila

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel