Kyle Echarri, umalma pandadamay ng mga fans mga Grab drivers sa galit sa kanya

Kyle Echarri, umalma pandadamay ng mga fans mga Grab drivers sa galit sa kanya

- Hindi napigilang umalma ni Kyle Echarri sa mga netizens na dinamay pa ang mga Grab drivers sa kanilang galit sa aktor

- Ibinahagi ni Kyle ang ilang screenshots ng mensahe ng mga fans na ito na nag-fake book at sinabing si Kyle ang magbabayad

- Umalma si Kyle sa ginawang ito sa kanya at sinabing sana ay huwag idamay ang mga drivers na naghahanapbuhay nang matino

- Sina Kyle at Francine ay unang naitambal sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nabuo ang Gold Squad kung saan kasama nila sina Andrea Brillantes at Seth Fedellin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang umalma ni Kyle Echarri sa ilang fans na ginamit ang kanyang pangalan sa fake booking sa Grab food. Aniya, sana ay huwag nang idamay ang mga Grab drivers sa kanilang mga sintimyento laban sa kanya.

Read also

Kris Bernal, ikinuwento sa Eat Bulaga ang naranasang 'fake booking' kamakailan

Kyle Echarri, umalma pandadamay ng mga fans mga Grab drivers sa galit sa kanya
Photo from Kyle Echarri (@kyleecharri)
Source: Instagram

Sa kanyang Twitter account, inamin ni Kyle na na-offend din siya sa sagot ni Francine Diaz kaugnay sa tanong kung sino ang ilalaglag nila sa miyembro ng Gold Squad.

Anyways... that vlog was shot a long time ago. We’re good now we’re all happy... sana kayo rin? I love you all and we all love you. Now go to sleep go eat or read a book or something I dunno Rolling on the floor laughing anyways ily goodnight

Gayunpaman, matagal na daw iyon na shoot at maayos umano silang magkakaibigan. Inalmahan ito ng kapatid ni Francine at sinabihan si Kyle na dapat ay personal nitong sinabi kay Frncine kung na-offend siya sa ginawa ni Francine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sila Kyle Echarri at Francine Diaz ay unang itinambal sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nabuo ang tambalang kung tawaging ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Read also

Andrea Brillantes, umalma sa paninisi sa kanya sa pag-walk out ni Kyle Echarri

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawal isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel