Andrea Brillantes, umalma sa paninisi sa kanya sa pag-walk out ni Kyle Echarri

Andrea Brillantes, umalma sa paninisi sa kanya sa pag-walk out ni Kyle Echarri

- Hindi pinalampas ni Andrea Brillantes ang mga negatibong reaksiyon ng netizens sa kanya

- Ito ay kaugnay sa pag-walk out ni Kyle Echarri sa isang video ng The Squad Plus kung saan kasama nila sina Jane Oineza at RK Bagatsing

- Sa isang tanong kung saan pinapili sila kung sino ang ilalaglag nilang isang member sa Gold Squad, mabilis ang naging tugon ni Andrea na si Kyle at kinalaunan ay napa-walk out ito

- Paliwanag ni Andrea, sobrang tagal na nilang magkakaibigan at natural na sa kanila ang ganoong biruan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang umalma ni Andrea Brillantes matapos siyang makatanggap ng pambabatikos kaugnay sa isang video ng The Squad Plus kung saan napa-walk out si Kyle Echarri matapos nilang sagutin ang isang tanong.

Andrea Brillantes, umalma sa paninisi sa kanya sa pag-walk out ni Kyle Echarri
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Sa nasabing video, guest nila sina Jane Oineza at RK Bagatsing. Naitanong sa kanila kung sino sa apat na miyembro ng Gold Squad ang kanilang ilalaglag.

Read also

Kim Chiu at Dani Barretto, nagkasukatan kung sino ang mas nakakakilala kay Bela

Naging mabilis ang tugon ni Andrea na si Kyle. Maya-maya pa ay napatayo ito at umalis.

Paliwanag naman ni Andrea, bilang matagal na silang magkakilala at magkaibigan natural na sa kanila ang ganoong biruan. Nilinaw niyang hindi siya ang dahilang ng pag-walk out ng binata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na Kadenang Ginto na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Read also

Kim Chiu, sinabunutan ni Bela Padilla matapos banggitin ni Kim si Zanjoe Marudo

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel