Donnalyn Bartolome, ibinunyag ang panloloko raw sa kanya ng kapwa YouTuber

Donnalyn Bartolome, ibinunyag ang panloloko raw sa kanya ng kapwa YouTuber

- Ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang kanyang naranasan matapos pahiramin ang isang YouTuber ng 1 milyong piso

- Nagtiwala umano siya sa nasabing YouTuber dahil sa kanilang mutual friend sa social media at nagkausap pa sila sa pamamagitan ng video call

- Para lamang daw sa show money ang hinihiram nitong pera para sa kanyang bibilhing sasakyan

- Gayunpaman, sinabi nito kinalaunan na natangayan siya ng pera at kasama ang perang pinahiram ni Donnalyn sa natangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na pinagalanan ni Donnalyn Bartolome ang taong nanghiram sa kanya ng isang milyong piso dahil kailangan niya umano ng show money para sa bibilhin nitong sasakyan.

Hindi man lubos na kakilala, minabuti ni Donnalyn na papirmahin na lamang ito sa isang kasunduan upang makasigurado siyang maibabalik nito ang hiniram na pera na aniya ay ibabalik din kaagad.

Read also

Biyuda ng napagkamalang magnanakaw ng pulis, binigyan ng negosyo ni Tulfo

Donnalyn Bartolome, ibinunyag ang panloloko sa kanya ng isang kapwa YouTuber
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Gayunpaman, base sa ibinahaging screenshot ng kanilang pag-uusap, sinabi ng naturang YouTuber na natangayan umano siya ng pera at kasama ang pera ni Donna sa natangay sa kanya.

Sinagot naman ni Donna ito at pinababalik niya ang kanyang pera dahil sinabi nito na para lang sa show money ang kanyang hiniram. Kinasama ng loob ni Donna kung bakit nito ginamit ang pera gayong iba naman ang idinahilan sa kanya na pagagamitan ng pera.

Ang dapat sana'y isang araw ay malapit na umanong umabot sa dalawang linggo kaya minabuti ni Donna na ibahagi ang panloloko sa kanya at para na rin mabigyang babala ang mga taong inuutangan nito na ginagamit pa umano ang pangalan niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber, at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong Wala Ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.

Read also

Ogie Diaz, ₱4 Million ang ginastos sa anak; tumulong pa rin sa ibang baby sa ICU

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel