Klea Pineda, hindi pinalampas ang mga schoolmates na nang-bully sa kanya

Klea Pineda, hindi pinalampas ang mga schoolmates na nang-bully sa kanya

- Ibinahagi ng Kapuso actress na si Klea Pineda ang umano'y patunay na nakaranas siya ng pambu-bully mula sa kanyang schoolmates noon

- Sa isang post ng GMA Artist Center na ibinahagi ng isang netizen, nag-uusap ang dati niyang mga schoolmate kung paano nila inapi si Klea noon

- Sinagot naman ito ni Klea at nagbahagi ng kanyang komento sa mismong thread kung saan nag-uusap ang mga dati niyang schoolmates

- Kasunod nito ay ibinahagi ni Klea ang screenshots ng pag-uusap ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang post ng GMA Artist Center sa Facebook, maraming mga fans nina Barbie Fortesa at Jack Roberto ang umalma. Ito ay dahil magkasama sina Klea Pineda at Jack sa nasabing picture ngunit ito ay para sa isang proyekto.

Klea Pineda, hindi pinalampas ang mga schoolmates na nang-bully sa kanya
Klea Pineda (@kleapineda)
Source: Instagram

Nakatanggap si Klea ng mensahe mula sa isang netizen na nakakita ng usapan ng dating mga schoolmate ng aktres na nang-bully umano sa kanya noon.

Read also

Robi Domingo, pinakita ang kanyang sariling walk-in closet

Kasunod nito ay hindi na nakapagtimpi si Klea at nagkomento din siya sa nasabing thread. Aniya, naalala pa niya ang mga panahong nabully siya ng mga ito.

Sa kanyang Facebook post, aminado ni Klea na siya yung tipo na nabu-bully noon.

If people throw stones at you, pick them up and build something! Naalala ko pa yung elementary days ko, ako yung type ng student na nabubully. And ito ang proof inaapakaan pa nga daw paa ko sa school lol. Hindi nila alam naging impact ng ginawa nila sa mga na-bully nila. But for me, it made me stronger. Hope these people are happy. Kung paano sila magtawanan habang inaalala kung paano nila binully yung isang tao, nakakalungkot lang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Klea Pineda, ay isang aktres at modelo at intinanghal na "Ultimate Female Survivor" ng StarStruck (season 6) kasama si Migo Adecer taong 2015. Nakilala siya sa pagganap bilang si "Clarisse Santos-Almonte" sa Magkaagaw (2019)

Read also

Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera

Matatandaang lumabas ang balita noon na sinigawan daw niya ang driver na nakabangga daw sa kanya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel