Klea Pineda, sinigawan daw ng driver na diumano'y nakabangga sa kanya

Klea Pineda, sinigawan daw ng driver na diumano'y nakabangga sa kanya

- Nasangkot ang Kapuso na si Klea Pineda sa isang aksidente sa daan, ayon sa balita, binangga ang kotse ng aktres

- Pero ang nakakawindang pa umano ay imbis na humingi ng paumanhin o magsorry kay Muyak ng Encantadia ay sinigawan pa daw ang huli

- Buti na lang at napadaan umano ang kaibigan ng ama ni Klea at tinulungan ang aktres sa nangyari, at ang nakakaloka pa ay wala daw lisensiya ang driver at nakainom pa umano

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita ng balitambayan ng GMA News Online, aming nalaman na nasangkot ang Kapuso aktres na si Klea Pineda sa isang aksidente sa daan.

Ayon pa sa balita na nakuha ng KAMI, desidido raw ang pamilya ni Klea na magsampa ng reklamo laban sa driver na nakabangga sa kotse ng aktres.

Dagdag pa sa balita, wala daw naipakita ang driver na lisensiya, at ang nakakawindang pa ay sinigawan pa umano ang aktres na gumanap na Muyak sa Encantadian.

Bukod pa rito, nakainom umano ang nasabing driver.

Inamin naman ni Klea Pineda na first time niyang nasangkot sa aksidente at hindi niya raw alam ang gagawin.

Ani pa ng aktres:

"Yung kotse ko umangat na ganun nawala na sa puwesto. Hindi ko alam gagawin ko, first time ko po kasi. Mangiyak- ngiyak na po ako."

Nangyari daw ang nasabing aksidente Wednesday evening sa Mindanao Avenue sa Quezon City.

Pero iyon na nga imbis na humingi ng sorry at dispensa ang driver na pinangalanang si Manansala, pinagsisigawan pa daw ang aktres na dahilan upang matakot si Klea dahil nag-iisa lang sya.

Makikita rin na tila ninerbiyos pa ang aktres habang inininterview.

Mabuti na lang at may saklolo na dumating.

Napadaan daw sa lugar ang kaibigan ng ama ng aktres.

Saad pa nito:

"Tiyempo nakita ko si Klea na sini sigawan nung nakabangga sa kaniya. Plano kasi nung lalaki picturan na lang yung nangyari tapos aalis na siya. Sabi ko hindi puwede, dapat maimbistigahan siya."

Nagmatigas pa umano si Manansala pagdating sa tanggapan ng Traffic Sector 6, at nakipagtalo pa raw ito.

Ayon pa sa awtoridad, ang driver ng SUV na si Manansala ang talaga daw bumangga kay Klea Pineda.

Sabi ni Police Officer 2 Francisco Gonzales III, ang imbestigador ng kaso sa TC6:

"Puwede niya [Manansala] na kaharapin yung meron kasi tayong tinatawag na driving under the influence of liquor, puwede niya kaharapin yun. At wala rin siyang lisensya at napatunayan natin na talagang wala siyang lisensya. Wala siyang maipakita ID lang pinakita niya sa atin."

Hindi nagbigay ng kanyang pahayag ang driver pero sabi umano ng misis nya na handa silang makipag-areglo sa kampo ni Klea Pineda.

Si Klea Pineda ang Ultimate Female/Sweetheart Survivor ng StarStruck Season 6, at kamakailan lang ang nagpahayag ng kagustuhan na masungkit ang korona ng Miss Universe.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel