Paghingi ng tulong ng anak para sa amang may sakit, umantig sa mga netizens

Paghingi ng tulong ng anak para sa amang may sakit, umantig sa mga netizens

- Marami ang naantig sa isang TikTok video ng isang anak na humihingi ng tulong para sa kanyang ama

- Hindi na niya umano alam ang gagawin dahil hirap nang makahinga ang kanyang ama

- Maging siya ay hindi na rin maganda ang pakiramdam at posibleng nahawa na rin

- Nakarating ito kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at hindi ito nag-atubiling ibahagi sa social media upang dumami ang makakita at tumulong sa kanula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naiyak ang isang batang babae habang humihingi kahit piso-piso lang daw sa Gcash upang mapagamot niya ang kanyang ama na nahihrapan nang huminga. Aniya, maging siya ay hindi na rin maayos ang pakiramdam.

Paghingi ng tulong ng anak para sa amang may sakit, umantig sa mga netizens
This photo taken on April 6, 2021 shows a man wearing personal protective equipment walking into a makeshift ward built for COVID-19 patients at a hospital in Manila. (Photo by JAM STA ROSA/AFP)
Source: Getty Images

Nakarating kay Rabiya Mateo ang tungkol sa kanyang paghingi ng tulong at hindi ito nag-atubiling ibahagi ang kanyang video upang dumami pa ang makakita at magpaabot ng tulong sa mag-ama.

Read also

Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera

Base sa mga sumunod na video na kanyang ibinahagi, marami ang nagpadala ng tulong sa kanila at nadala niya na ang ama sa ospital at inaantay na lamang niya ang resulta ng test sa ama.

Maging siya ay minomonitor din ng mga doktor dahil may mga nararanasan na rin siyang mga sintomas ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Read also

Customer, naantig sa sulat ng may-ari ng shop na kanyang pinag-orderan

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod."

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel