Niña Jose, naging emosyonal sa kanyang pagbalik-tanaw sa kanyang nakaraan

Niña Jose, naging emosyonal sa kanyang pagbalik-tanaw sa kanyang nakaraan

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Niña Jose sa kanyang pinakabagong vlog na ibinahagi

- Nagbalik-tanaw siya sa kanyang nakaraan sa pamamagitan ng mga lumang mga picture niya

- Aminado siyang noong mga panahong nasa showbiz siya ay hindi siya masaya at napipilitan lamang siya

- Sa kabila ng kanyang naging image dahil sa kanyang career, nilinaw ni Niña ang tungkol sa tsismis na tumanggap siya ng mga indecent proposals

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang bagong vlog na pinamagatan niyang Reacting to old photos, muling binalikan ni Niña Jose ang kanyang nakaraan sa pamamagitan ng mga pictures na nasa internet.

Niña Jose, naging emosyonal sa kanyang pagbalik-tanaw sa kanyang nakaraan
Niña Jose Quiambao (@therealninajosequiambao)
Source: Instagram

Hindi nito napigilang maiyak sa ilang mga litrato lalo na sa mga pagkakataong hindi siya masaya sa kanyang ginagawa.

Hindi siya masayang ipinapakita niya sa mg tao ang kanyang katawan at aminado siyang insecure siya dati dahil sa kanyang tiyan.

Read also

Customer, naantig sa sulat ng may-ari ng shop na kanyang pinag-orderan

Nilinaw din niya na hindi kailanman siya tumanggap ng mga indecent proposal kagaya ng pinapakalat ng ibang tao sa internet.

Kabilang sa kanyang nakwento ay ang tungkol sa pag-diet niya ng matindi at pagpapa-liposuction sa paniniwalang babalikan siya at hindi na lolokohin ng kanyang dating karelasyon.

Gayunpaman, niloko din daw siya nitong muli.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006.

Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Noong buwan ng Marso ay kinompirma ni Mayor Quiambao na nag-positibo silang mag-asawa sa COVID-19. Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi niyang maayos na ang kalagayan nilang mag-asawa matapos makatanggap ng karampatang pangangalagang medical mula sa mga doktor.

Read also

Angel Locsin, "nalurks" sa naging transformation nang magpaayos siya ng buhok

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel