Angel Locsin, "nalurks" sa naging transformation nang magpaayos siya ng buhok

Angel Locsin, "nalurks" sa naging transformation nang magpaayos siya ng buhok

- Ibinahagi ni Angel Locsin ang kanyang new look matapos niyang magpaayos ng buhok

- Aniya "nalurks" siya nang makita niya ang pinagkaiba ng buhok niya bago at matapos ang kanyang pagpapaayos

- Pinasalamatan niya rin ang hairdresser na si Celeste Tuviera na aniya ay may mahika pagdating sa pag-aayos ng buhok

- Bukod sa pagpapaayos ng buhok, naibahagi din ni Angel ang tungkol sa kanyang diet kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maitago ni Angel Locsin ang kanyang tuwa sa kanyang bagong hairstyle. Nagpaayos siya ng kanyang buhok sa hairdresser na si Celeste Tuviera. Puring-puri niya ito at pinasalamatan sa kanyang ibinahaging Instagram story.

Angel Locsin, "nalurks" sa naging transformation nang magpaayos siya ng buhok
Angel Locsin (Photo by Jamie McCarthy/WireImage)
Source: Getty Images

Aniya, may mahika ang nasabing hairdresser.

Ibinahagi din ni Angel ang isang selfie bago pa siya nagpayos at naloka siya dahil sa laki ng pinagkaiba ng kanyang before at after na picture.

Read also

Bea Alonzo, pinasalamatan ang ABS-CBN sa kanyang unang post bilang Kapuso

Samantala, marami ang nag-aabang sa kanyang weigh loss journey simula nang isapubliko niya ang tungkol sa kanyang bagong diet at marami rin ang nakapansin sa unti-unting pagbawas ng kanyang timbang.

Angel Locsin, "nalurks" sa naging transformation nang magpaayos siya ng buhok
Angel Locsin (Photo from @therealangellocsin IG Story)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang mga magulang.

Read also

Alwyn Uytingco, humingi ng tawad sa asawa kasunod ng mensahe ng kanyang biyenan

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel