Bea Alonzo, pinasalamatan ang ABS-CBN sa kanyang kauna-unahang post bilang Kapuso

Bea Alonzo, pinasalamatan ang ABS-CBN sa kanyang kauna-unahang post bilang Kapuso

- Matapos na pormal na ipakilala si Bea Alonzo bilang isang Kapuso artist, samu't-sari ang naging reaksiyon ng publiko

- Mayroong natuwa para sa aktres at meron ding hindi kaagad natanggap ang career move na ito ni Bea

- Sa isang Instaram post ay nagbahagi ng kanyang mensahe si Bea Alonzo bilang isa nang ganap na Kapuso artist

- Hindi niya kinaligtaang pasalamatan ang ABS-CBN at ang mga taong naging bahagi ng kanyang showbiz career

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakatuon ang atensiyon ng karamihan kay Bea Alonzo kasunod ng ginawa niyang malaking desisyon sa kanyang showbiz career. Bilang isa sa pinakakilalang matagal nang Kapamilya artist, napagpasyahan niyang lumipat sa GMA-7 at pormal na siyang ipinakilala bilang isang Kapuso.

Bea Alonzo, pinasalamatan ang ABS-CBN sa kanyang kauna-unahang post bilang Kapuso
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Sa kabila ng mga naging reaksiyon ng publiko lalo na mula sa mga loyalista ng ABS-CBN, isang mensahe ang ibinahagi ni Bea sa social media kung saan pinasalamatan niya ang ABS-CBN at ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang showbiz career simula nang pinasok niya ang mundo ng pag-aartista.

Read also

Julia Montes, ibinahagi ang kwento kung paano sila nagkatagpo ng ama niya

Pinasalamatan niya rin ang GMA-7 sa tiwalang ibinigay sa kanya sa kanyang paglipat. Excited na umano siyang matuto sa kanyang bagong tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Alwyn Uytingco, humingi ng tawad sa asawa kasunod ng mensahe ng kanyang biyenan

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate