Julia Montes, ibinahagi ang kwento kung paano sila nagkatagpo ng ama niya

Julia Montes, ibinahagi ang kwento kung paano sila nagkatagpo ng ama niya

- Ibinahagi ni Julia Montes ang naging daan sa pagkikita nila ng kanyang ama noong 21 years old siya

- Isang fan ng tambalan nila ni Coco Martin ang naging tulay sa pagkahanap niya sa kanyang biological father

- Nang ipadala sa kanya ang litrato ng kanyang papa ay hindi pa umano siya makapaniwala ngunit nakaramdam siya ng lukso ng dugo

- Lalo niya itong nakumpirma nang tanungin niya ang kanyang ina kung iyon ba ang kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panayam ng Mega Entertainment kay Julia Montes, ibinahagi ng aktres kung paano sila nagkita ng kanyang ama na kanyang nakilala nang siya ay 21 anyos na.

Naging tulay ang isang fan nila ni Coco Martin upang makilala at mahanap niya ang kanyang ama na nakasama niya noong mamalagi siya sa ibang bansa upang makasama ito.

Read also

Nadine Lustre, pragkang sinabing wala siyang tattoo para kay James Reid

Julia Montes, ibinahagi ang kwento kung paano sila nagkatagpo ng ama niya
Julia Montes (@montesjulia08)
Source: Instagram

Kwento ni Julia, nakaramdam siya ng lukso ng dugo nang makita ang litrato ng kanyang ama na pinakita ng kanilang fan. Lalo niyang nakumpirma ang kutob nang tanungin niya mismo sa ina niya kung iyon ba ang kanyang ama.

Sa isang ulat ng ABS-CBN News, naging emosyonal si Julia matapos humingi ng dispensa ang kanyang ama. Taong 2018 nang makasama ni Julia ang ama na naiulat din ng Inquirer.net.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Hindi tinatago ng aktres ang kanyang pagsuporta sa napapabalitang karelasyon sa muling pagbabalik ng FPJ's Ang Probinsiyano matapos matigil ang pagpapalabas nito kaugnay sa naganap na lockdown at pati na rin ng pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Read also

Jacqui Manzano, may matinding hugot tungkol sa pagiging responsableng ama

Walang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila kaugnay sa balitang lumabas na diumano'y nagkaroon na sila ng anak at hindi pa lamang nila umano isinasapubliko ang tungkol dito.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate