Jennica Garcia, kinaaliwan sa mensahe sa ina matapos niyang manghiram ng damit

Jennica Garcia, kinaaliwan sa mensahe sa ina matapos niyang manghiram ng damit

- Sa isang comment sa sarili niyang Instagram post, pinasalamatan ni Jennica Garcia ang inang si Jean Garcia

- Ito ay dahil sa pagpapahiram umano nito ng kanyang mga damit at pinagpaalam niya rin na hihingiin niya ang nagustuhan niyang damit sa mga hiniram sa ina

- Marami ang naaliw sa closeness ng mag-ina na ayon sa ilang netizens ay parang magbarkada lang dahil sa kanilang pagiging malapit sa isa't-isa

- Ibinahagi ni Jennica ang menahe niyang tio sa ina isang araw matapos maging usap-usapan ang mensahe ni Jean sa manugang nito na si Alwyn Utingco

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, marami ang humahanga sa pinapakitang katatagan at pagiging positibo ni Jennica lalo na pagdating sa mga bagay na kanyang ibinabahagi sa social media.

Jennica Garcia, kinaaliwan sa mensahe sa ina mtapos nyang manghiram ng damit
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Marami ang naaliw sa kanyang mensahe sa ina na si Jean Garcia kung saan pinasalamatan niya ito dahil sa pagpapahiram sa kanya ng damit. Kasunod nito ay hiniritan siya ng anak na hihingiin ang natipuhang damit sa kanyang hiniram.

Read also

Alwyn Uytingco, humingi ng tawad sa asawa kasunod ng mensahe ng kanyang biyenan

Mama thank you for letting me borrow your clothes. Akin na lang ito mama stripes na red tsaka yung zara na grey and black. Yung hiram pero di na isosoli. Ma the rest babalik ko. Itong tatlo lang hindi po. @chic2garcia

Marami ang naaliw sa pagiging malapit ng mag-ina sa kabila ng pangyayari sa mag-asawang Jennica at Alwyn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Read also

Jennica Garcia, lalong gumanda at nagmukhang mas bata ayon sa mga netizens

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel