Bernadette Allyson at Gary Estrada, nagdiwang ng dalawang dekadang pagsasama

Bernadette Allyson at Gary Estrada, nagdiwang ng dalawang dekadang pagsasama

- Pinagdiwang kamakailan ng mag-asawang Bernadette Allyson at Gary Estrada ang kanilang ikalawang dekada bilang mag-asawa

- Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Bernadette ang kanyang pagbati sa kanyang mister

- Kalakip ng kanyang pagbati ay ang mga litrato nilang mag-asawa na kuha mula noong kinasal sila

- Bumuhos naman ang pagbati sa mag-asawa na kabilang sa mga mag-asawa sa showbiz na hinahangaan sa pagiging matatag ang pagsasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagdiwang ng ikalawang dekada ng pagiging mag-asawa sina Bernadette Allyson at Gary Estrada kamakailan. Kaya naman, sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, ibinahagi ni Bernadette ang kanyang pagbati sa kanyang mister.

Bernadette Allyson at Gary Estrada, nagdiwang ng dalawang dekadang pagsasama
Bernadette Allyson at Gary Estrada (@bernadetteallyson_e)
Source: Instagram
Been through so much together honey @garyejercito. The thought of it makes me so proud of us. I can't believe we've been married for two decades!!! ❤❤❤ . to us Honey . I love you .

Read also

CPR scene sa teleseryeng 'Kambal Karibal', pinuna ng American internet celebrity

Sa isang panayam kamakailan ng mag-asawa sa kolumnista at talent manager na si Aster Amoyo, naikwento nila kung paano sila nagsimula.

Ayon sa kwento nilang mag-asawa, bago sila na-engaged, nagkahiwalay sila ng isang taon. Hindi pa man sila nagkabalikan ay bigla umanong nag-propose si Gary sa aktres. Tatlong buwan lang nang mag-propose si Gary ay kinasal na sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Gary Estrada o Gary Jason Bastos Ejercito sa totoong buhay ay anak ni Jorge M. Ejercito o mas kilala bilang si George Estregan.

Ikinasal siya kay Bernadette Allyson at mayroon silang tatlong anak na nagngangalang Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina. Kinagiliwan ng netizens ang kanilang buhay probinsiya nang magkaroon ng pandemya.

Anak niya rin ang aktor na si Kiko Estrada kay Cheska Diaz.

Nang manalanta ang bagyong Rolly, isa si Gary sa apektado nang mapinsala ang kanyang farm.

Read also

Barbie Hsu, sinabing nag-file siya ng divorce sa asawa ng 10 taon

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel