Jennica Garcia, may madamdaming mensahe sa ikatlong kaarawan ng kanyang bunso

Jennica Garcia, may madamdaming mensahe sa ikatlong kaarawan ng kanyang bunso

- Ibinahagi ni Jennica Garcia ang kanyang mensahe para sa bunsong anak na si Alessi sa pagdiriwang ng kanyang ika-3 taong kaarawan

- Ipagdiriwang ng kanyang anak ang ikatlong kaarawan nito sa ika-25 ng Hunyo, gayunpaman kinailangan nilang ipagdiwang iyon ng mas maaga

- Kinailangan niyang muling mawalay sa mga anak dahil sa trabaho at lock in taping

- Aniya lagi niyang iniisip ang makakabuti sa kanila bago ang kanyang sarili pagdating sa mga ginagawa niyang mga desisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Jennica Garcia ang larawan nilang ma-iina matapos nilang ipagdiwang ang kaarawan ng bunsong anak niyang si Alexis Severina dahil kinailangan niyang mawalay sa kanila kaugnay sa kanyang trabaho kung saan kinakailangang sumunod sa mga alituntunin ng lock in taping.

Jennica Garcia, Nay madamdaming mensahe sa ikatlong kaarawan ng kanyang bunso
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Mensahe ni Jennica sa anak, masaya siya sa pagiging appreciative nito sa kanya. Pinaalala niya sa anak na sila ang lagi niyang inuunang isinasa-alang-alang pagdating sa mga ginagawa niyang desisyon sa buhay.

Read also

Niña Jose, hinangaan sa pagiging mapagmahal na ina sa walong anak

My Wonderwoman Alexis Severina, Watching you grow up is such a beautiful sight to see. I am grateful to Jesus because you are very appreciative towards me even if I know for a fact that I could have raised you better during your younger years. I will make up for all the time you do not have my 100% attention for the rest of my life. Know that when I make plans and decisions for our future, I always put what is best for you and Mori first before myself. Mahal na mahal kita anak. Sana mabasa mo ito kapag malaki ka na. ~ Nanay

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Read also

Gardo Versoza, pinakita ang ilan sa kanyang mga high heels na sapatos

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel