Meryll Soriano, Pormal na pinakilala ang mga kapatid sa ama
- Marami ang natuwa sa ibinahaging video ni Meryll Soriano kung saan kasama niya ang kanyang mga kapatid
- Pormal nitong pinakilala ang mga kapatid sa ama na sina Juamee at Marimonte
- Magkasama nilang ipinagdiwang ang Father's Day sa private resort ni Willie Revillame sa Puerto Galera
- Kasama din nila ang dalawang anak ni Meryll na sina Eli na anak nila ni Bernard Palanca at si Gido na anak nila ni Joem Bascon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagiliwan ng mga netizens ang video ni Meryll Soriano kung saan pinagdiwang nila ang Father's Day kasama ang kanyang amang si Willie Revillame, dalawang kapatid sa ama at ang kanyang dalawang anak.
Pinakilala niya ang kapatid na si Marimonte na 18 taong gulang at si Juamee na 15. Dahil magkalapit lang ang edad ni Juamee at panganay na anak niyang si Eli, kapansin-pansin ang pagiging malapit ng mag-tito.
Narito ang reaksiyon ng mga netizens:
Sana all ganyan ang Turing ng Tatay sa mga anak pantay pantay..Ms Meril and siblings sobrang lucky nyo ksi npakabait ng papa nyo .more blessings and God bless Po sa family.
Sobrang bait nyo po,nagsama sama po kayo magkakapatid,napasaya nyo po si idol Willie
Great to see Willy's beautiful children! May potential lahat sa showbiz
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal.
Nang pumasok ang taong 2021 ay ginulat ni Meryll ang publiko sa kanyang rebelasyon tungkol sa kanila ni Joem Bascon matapos ang ilang buwang pananahimik.
Ibinahagi din kamakailan ng aktres ang litrato niya kung saan karga-karga ni Willie Revilement ang kanyang baby.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh