William Martinez at Yayo Aguila, nagkasamang muli sa vlog ng aktres

William Martinez at Yayo Aguila, nagkasamang muli sa vlog ng aktres

- Ikinatuwa ng mga tagahanga ng dating mag-asawang sina William Martinez at Yayo Aguila ang pag-guest ni William sa vlog ng kanyang asawa

- Nakasama ni William ang mga anak at dating asawa na kumain sa labas at ayon kay Yayo, iyon ang unang pagkakataon na kumpleto silang muli

- Kadalasan umano ay hindi siya sumasama kapag lumalabas ang mag-aama para mabigyan nila ng oras ang ama na nakatirang mag-isa sa kanyang bahay

- Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang humirit na sana ay magkabalikan pa sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang vlog ng aktres na si Yayo Aguila, nakasama niya ang kanyang mga anak at ang dating asawang si William Martinez. Kasama nila itong kumain sa labas at ayon kay Yayo, kadalasan ay hindi siya sumasama kapag lumalabas ang mag-aama.

Paliwanag niya, dahil sa kanya naman nakatira ang mga anak, binibigyan niya ng oras ang mag-aama na sila naman ang magkakasama.

Read also

Joey Marquez, masaya sa pagiging malapit sa isa't-isa ng kanyang 16 na mga anak

William Martinez at Yayo Aguila, nagkasamang muli sa vlog ng aktres
Yayo Aguila (@yayoaguila)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nasabing vlog, matapos nilang kumain sa labas, sumabak sa tinawag nilang Spritzer challenge.

Nakipagtawanan at nakipagbiruan din si William sa mga anak at sa dating asawa.

Samantala, sa huling bahagi ng vlog, ibinahagi ni Yayo ang kanyang saloobin matapos ang kanilang naging bonding na magpamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si William Pineda Martinez ay nakilala sa showbiz nang maging commercial model ito sa isang toothpaste ibrand noong 1979. Na-discover siya ng pumanaw nang talent manager na si Douglas Quijano.

Ikinasal siya sa kanyang co-star sa youth-oriented comedy film na Bagets na si Yayo Aguila. Naging mag-asawa sila mula 1985 hanggang 2010.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Tim Sawyer, nasaktan matapos daw tanggalan ng karapatang makita ang anak

Matatandaang nagbigay ng babala ang dating asawa ni William na si Yayo nang ma-hack ang kanyang Twitter account.

Naging usap-usapan din ang kasong isinampa nina Yayo at anak niya laban sa dating kasama ni Yayo sa PBB na si Baron Geisler. Kaya naman, nagbahagi ng kanyang saloobin si Yayo tungkol sa pagpapa-rehab noon ni Baron.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel