Jean Garcia, nag-post ng quote tungkol sa pag-ibig kasunod ng IG post ni Alwyn

Jean Garcia, nag-post ng quote tungkol sa pag-ibig kasunod ng IG post ni Alwyn

- Matapos ang pag-viral ng post ni Alwyn Uytingco kung saan ibinahagi niya ang litrato ni Jennica Garcia, marami ang nag-aabang sa magiging reaksiyon ng aktres

- Wala pang naging tugon si Jennica kaugnay dito ngunit naging palaisipan sa mga netizens kung may kaugnayan ang post ni Jean Garcia sa sitwasyon ng kanyang anak

- Ilang oras lamang matapos mag-post si Alwyn ng kanyang mensahe kung saan sinabi niyang mahal na mahal niya si Jennica, isang quote tungkol sa pag-ibig ang ibinahagi ni Jean

- Gayunpaman, may mga nagsabing maaring nagkataon lang ang kanyang post sa IG post ni Alwyn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa sa Instagram post ni Alwyn Uytingco kung saan ibinahagi niya ang picture ni Jennica Garcia kalakip ng kanyang mensahe kung saan sinabi niyang mahal na mahal niya ang aktres.

Read also

Jimmy Santos, ibinida ang kanyang talent sa pagluluto sa kanyang vlog

Jean Garcia, nag-post ng quote tungkol sa pag-ibig kasunod ng IG post ni Alwyn
Alwyn Uytingco (@alwynzky)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang oras matapos mag-post si Alwyn, isang quote tungkol sa pag-ibig ang ibinahagi ng ina ni Jennica na si Jean Garcia.

Naging palaisipan sa mga netizens kung may kaugnayan ba ang post na ito ni Jean sa pinagdadaanan ni Alwyn at ng kanyang anak.

Gayunpaman, mayroon ding naniniwala na nagkataon lamang ang mensaheng ito ni Jean sa pagpost ni Alwyn.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Alwyn Uytingco ay nagsimulang makilala sa mundo ng showbiz matapos maging bahagi ng "Ang TV." Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Ang Tanging Ina kung saan gumanap siya bilang si Pip at ang 2018 film na Asuang kung saan ginawaran siya ng Best Acting Award sa Cinema One Originals 2018 International Film Festival.

Read also

Tim Sawyer, nasaktan matapos daw tanggalan ng karapatang makita ang anak

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan nga ay naging usap-usapan ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Jennica Garcia. Isang makahulugang mensahe ang kanyang binahagi kasunod ng pag-viral ng video kung saan umiiyak si Jennica.

Sa isang panayam ay kinumpirma ni Jennica ang tungkol sa kanilang pinagdadaanan ni Alwyn. Gayunpaman, nilinaw niyang hindi totoo ang isyu na dahil umano sa kakulangan sa sustento kaya sila naghiwalay. Pinagtanggol niya rin si Alwyn sa mga bashers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel