Jimmy Santos, ibinida ang kanyang talent sa pagluluto sa kanyang vlog
- Matapos ang mahigpit na pagpapatupad ng protocols bunsod ng pandemya, marami ang naapektuhan ang trabaho
- Isa na nga dito ang TV host at komedyanteng si Jimmy Santos na isa nang senior citizen
- Kaya naman, matapos ngang hindi na nakabalik sa pagiging host ng Eat Bulaga, pinasok niya ang pag-vlog
- Sa isa niyang vlog, pinakita ni Jimmy ang kanyang talento sa pagluluto habang ibinabahagi ang kanyang karanasan sa showbiz
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi man napapanood sa Eat Bulaga dahil sa paghihigpit sa paglabas ng mga senior citizen, marami sa mga fans ni Jimmy Santos ang natuwa na napapanood nila ang idolo sa kanyang YouTube Channel.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa isang vlog na kanyang ibinahagi, ipinamalas ni Jimmy ang kanyang hilig sa pagluluto. Aminado siyang nami-miss niya na ang paggawa ng mga pelikula.
Kaya naman, naibahagi niya ang ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa. Nagbahagi din siya ng payo sa kapwa niya artista.
Samantala, narito ang reaksiyon ng kanyang mga tagahanga:
Jimmy started in humble beginnings as one of the FPJ boys. Then he got his big break in comedy. Pure talent and luck he landed in Eat Bulaga of TVJ. He is what he is now, still very humble but already secured and wealthy. I love you IDOL
Hindi Pwede hindi ako mag pa subscribe kay Jimmy. Nagbigay siya ng todo kasayahan sa atin na hindi pwedeng Kalimutan na Lang. Thank you Jimmy!! Saludo kami!!
Eto ung taong napakatahimik ng buhay..D man lang to nasangkot sa kontrobersya..napakarespetadong tao,..salute to you Mr. Jimmy Santos.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Jimmy Santos ay naging basketbolista bago pa man niya pinasok ang mundo ng showbiz. Taong 1970 nang magsimula siyang lumabas sa mga pelikula kasama si Fernando Poe Jr. Nakilala naman siya sa pagpapatawa nang maging bahagi siya ng Iskul Bukol at T.O.D.A.S.: Television's Outrageously Delightful All-Star Show.
Bago magkaroon ng pandemya, isa siya sa mga regular hosts ng noontime show na "Eat Bulaga".
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, naging usap-usapan kamakailan ang matagal na pagkawala ni Ruby Rodriguez sa nasabing noontime show. Kinalaunan, inamin niyang nagkaroon na siya ng ibang trabaho sa ibang bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh