Bride na pumanaw habang ikinakasal, pinalitan ng kapatid na siyang pinakasalan ng groom

Bride na pumanaw habang ikinakasal, pinalitan ng kapatid na siyang pinakasalan ng groom

- Talagang nag-viral ang kakaibang kasalan sa India kung saan biglang ang kapatid ng bride ang nakatuluyan ng groom

- Hinihinalang inatake sa puso ang bride sa kalagitnaan ng kanilang kasalan

- Masinsinang pinag-usapan ng magkabilang panig ang kanilang gagawin hanggang sa mapagkasunduan na ang kapatid na lamang ng bride ang papalit sa kanya

- Halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga dumalo ng kasalan dahil sa dami ng mga kaganapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumulantang sa social media ang kwento ng kasalan ni Manoj Kumar at Surabhi na nauwi sa isang kakaibang seremonya.

Nalaman ng KAMI na pumanaw umano ang bride sa kalagitnaan ng seremonya at sinasabing ang kanyang kapatid na si Nisha ang pumalit sa kanya.

Ayon sa Yahoo News, hinihinalang inatake sa puso at tuluyan nang pumanaw si Surabhi.

Read also

Nag-viral na 17-anyos na nakapagpatayo na ng bahay, may sariling tindahan na rin

Bride na pumanaw habang ikinakasal, pinalitan ng kapatid na siyang pinakasalan ng groom
Photo from Pixabay
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hindi raw malaman ng pamilya ng magkabilang panig ang kanilang gagawin hanggang sa mapagkasunduan nila na si Nisha na lamang ang papalit bilang bride ni Manoj.

Sa ulat ng South China Morning Post, nagawa pa umanong itago muna ng pamilya ang katawan ni Surabhi sa isang silid habang isinasagawa ang kasalan naman nina Manoj at Nisha.

Aminado ang tiyuhin ng bride na talagang halo-halo ang emosyon na kanilang nadarama sa kasalan.

“The grief over her death and the happiness of the wedding has yet to sink in,” ayon sa tiyuhin ni Surabhi na si Ajab Singh.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

China Roces, inilabas ang video clips ng pag-usad ng kasong isinampa kay Tim Sawyer

Kamakailan ay nag-viral din ang isang groom sa Indonesia kung saan muntik na umano itong maikasal sa ibang bride dahil sa maling direksyon na ibinigay gamit ang GPS.

Sa Pilipinas naman, hinangaan naman ang bride at groom na hindi na nagdalawang-isip na lumusong sa rumaragasang tubig upang makatawid at makarating sa venue ng kanilang kasal.

Dahil dito, maging ang mga bisita ay nakitawid na rin matuloy lamang ang pag-iisang dibdib ng mga ikakasal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel