Buboy Villar, binati si Angillyn Gorens sa kaarawan nito

Buboy Villar, binati si Angillyn Gorens sa kaarawan nito

- Kinilig ang mga tagahanga ng dating magkarelasyon na sina Buboy Villar at Angillyn Gorens sa pagbati ng aktor para sa kaarawan ni Angillyn

- Sinabi ni Buboy na lagi siyang handang sumuporta sa ina ng kanyang dalawang anak

- Marami naman sa mga followers nila ang bumati kay Angillyn at humirit na sana ay magkabalikan ang dalawa

- Matatandaang taong 2020 nang aminin nilang tuluyan na silang nagkahiwalay matapos ang kanilang engagement

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang matamis na pagbati ang binahagi ni Buboy Villar para sa dating karelasyon at ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Ito ay upang batiin ito sa kanyang kaarawan.

Buboy Villar, binati ang ina ng kanyang mga anak na si Angillyn Gorens sa kaarawan nito
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ani Buboy, anuman ang pagdaanan ni Angillyn, lagi lang siya sa likod nito para sumuporta sa kanya at sa kanilang mga anak.

Read also

Reymark Mariano, ibinahagi sa mga kababayan ang sobra-sobrang biyayang natanggap

Yes Nemarn!! @angillyn_gorens Happy Birthday sayo alam kong marami kang napapagdaanan ngayun good or bad lagi akong nandito sa likod mo at nakaalalay sa mga anak

Isang maiksing thank you naman ang naging tugon ni Angillyn sa pagbating ito ni Buboy. Marami sa mga followers ng aktor ang bumati din kay Angillyn. Ang ilan sa kanila ay humirit pa na sana ay magkabalikan na umano sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Heart Evangelista, dinaan sa TikTok ang mensahe sa kanyang bashers

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel