Anak, naiyak nang mapagtanto ang sakripisyo ng kanyang ama

Anak, naiyak nang mapagtanto ang sakripisyo ng kanyang ama

- Isang anak ang naluha nang minsa'y naisipan niyang sundan ang kanyang ama na bumangon sa kanyang higaan

- Aniya, hindi nila nakakasabay ang kanilang ama sa pagkain ng hapunan dahil lagi niya umanong sinasabing busog pa siya

- Nang sundan niya ang ama ay nakita niyang bagoong at sibuyas ang inuulam nito upang mapaubaya sa kanyang pamilya ang kanilang ulam

- Marami ang naantig sa sakripisyong ito ng ama na ayon sa kanyang anak ay naaksidente kaya hindi na nakabalik ng trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naantig sa ibinahaging kwento ng Facebook user na si Aldi Relqno. Ibinahagi niya ang video na palihim niyang kinuhanan nang maisipan niyang sundan ang kanyang ama na aniya ay bumabangon ng alanganing oras.

Anak, naiyak nang mapagtanto ang sakripisyo ng kanyang ama
Screenshot from Aldi Relqno/www.facebook.com/aldi.relqno
Source: Facebook

Aniya, hindi nila nakakasabay sa pag-kain ang kanilang ama dahil lagi nitong sinasabing busog siya. Doon lamang niya napagtantong pinapaubaya niya ang ulam sa kanila kaya hindi ito sumasabay sa pagkain sa kanila.

Read also

Eric Fructuoso, inaming hiwalay na sila ng kanyang asawa

Nakita niyang bagoong at sibuyas lamang ang inuulam ng kanyang ama.

Hindi na umano ito nakabalik sa trabaho matapos niyang madisgrasya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si papa Kasi nasagasahan ng truck noong MARCH 18, 2021 na Hanggang Ngayon ay Wala pang nangyayari sa kanyang Kaso Ang pag ka alam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na Hanggang ngayon Halata ko Kay papa na hirap syang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa Amin mag kapatid.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Read also

Eric Fructuoso, binigyan ng pera ng tropa na inakalang namamasada na ito ng tricycle

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate