Vietnam discovers new hybrid of Indian and UK COVID-19 variant
- Nadiskubre ng Vietnam ang pinakabagong COVID-19 variant na hybrid umano ng Indian at British strains
- Mabilis daw itong itong kumalat sa hangin kaya mas madaling kumalat sa paligid
- Kasalukuyan ding nagkaroon ng outbreak sa bansa matapos nilang ma-contain na halos ang virus sa loob ng isang taon
- Matatandaang nasa pitong coronavirus variants na ang natuklasan ng Vietnam kung saan kabilang ang Indian strain
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nadiskubre ng Vietnam ang pinakabagong variant ng COVID-19 na pinaniniwalaang mula sa Indian at UK strains.
Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na bumulusok na naman ang dami ng mga tinamaan ng COVID-19 sa naturang bansa.
Sa ulat ng GMA News, sinabing inanunsyo ng Health Minister ng Vietnam na si Nguyen Thanh Long sa kanilang National meeting ang bagong variant na hybrid ng virus mula sa dalawang nabanggit na bansa.
Pinaniniwalaang higit na mabilis itong kumalat sa hangin kaya naman mas mabilis din ang pagkalat sa paligid.
"The characteristic of this strain is that it spreads quickly in the air. The concentration of virus in the throat fluid increases rapidly and spreads very strongly to the surrounding environment."
Ayon sa Business Times, nilinaw ng Health minister na Indian mutation ito ngunit ang pangunahing pinagmulan ay ang UK variant.
"More specifically, it is an Indian variant with mutations that originally belong to the UK variant,"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Dahil dito, balik na naman ang mga restrictions sa Vietnam partikular na sa Hanoi at sa economic hub nila na Ho Chi Minh City ayon sa ulat ng Washington Post.
Matatandaang nasa pitong COVID-19 variant na ang natuklasan ng Vietnam bago pa ang pinakabago nilang nadiskubre.
Samantala, sa Pilipinas, kasalukuyan pa rin na nasa community quarantine ang iba't ibang bahagi ng bansa bilang pag-iingat sa COVID-19.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, umanot na sa 1.2 million ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus sa buong bansa.
Patuloy pa rin ang paalala sa publiko na bagaman at unti-unti nang nababakuhan ang mga mamamayan ay huwag pa ring pakakampante at patuloy na isagawa ang safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield gayundin ang palagiang pagdi-disinfect at social distancing.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh