Enforcer sa viral video, tuloy ang kaso laban sa nanakit na babaeng motorista
-Desidido ang traffic enforcer na si Marcos Anzures na sampahan ng kaso ang babaeng motorista na nahuli kamakailan sa Maynila
-Si Anzures ang enforcer na humuli sa babaeng si Pauline Mae Altamirano na sangkot sa iba't ibang paglabag
-Matatandaang nag-viral ang video ng mainit na engkwentro ng dalawa matapos sitahin ang motorista dahil sa pagsuway sa batas trapiko
-Sa nasabing video, makikita ang labis-labis na pagtitimpi ni Anzures sa kabila ng pananakit ng babae
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Desidido raw ang traffic enforcer na si Marco Anzures na sampahan ng kaso ang babaeng motorista na kinilalang si Pauline Mae Anzures na nahaharap sa sandamakmak na reklamo, batay sa report ng Frontline Pilipinas.
Nasangkot ang dalawa sa isang mainit na engkwentro matapos sitahin at hulihin ni Anzures si Altamirano dahil sa paglabag nito sa batas trapiko.
Mabilis na nag-viral ang video sa social media kung saan makikitang ilang beses na sinaktan at minura ng babae ag enforcer.
Ayon naman kay Anzures, sobra-sobrang pagtitimpi raw ang ginawa niya sa kabila ng mga tinamo mula sa motorista.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks
"Nagpipigil po talaga. Talaga... kasi 'yun po ang ano sa amin, ang kabilin-bilinan po, "huwag kayong maging arogante"," anito.
Dahil sa nangyari ay sinampahan ito ng mga kasong direct assault, disobedience to persons in authority, at driving without license ng mga awtoridad.
Ngunit bukod sa mga ito, nadiskubre pa na sangkot din sa ilegal na droga si Altamirano. Apat na iba pa ang nahuli dahil dito sa isinagawang entrapment operation.
Posible ring maharap sa kasong falsification of documents at forgery si Altamirano dahil sa ipinakita nitong mga ID na may magkakaibang pangalan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, sa iba pang report ng KAMI, pinuri ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang enforcer dahil sa ipinakita nitong maximum tolerance sa insidente.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh