Pinoy designers, pinagtanggol si Michael Cinco sa alegasyong pananabotahe

Pinoy designers, pinagtanggol si Michael Cinco sa alegasyong pananabotahe

- Matappos ang mannghang na salitang binitawan ni Micahel Cinco, maraming mga Pinoy designers ang nagpakita ng suporta sa kanya

- Kabilang na dito ang mga nakatrabaho niya sa paggawa ng mga gagamitin ni Miss Universe Canada Nova Stevens

- Matatandaang pinalagan ni Micahel ang alegasyong pananabotahe sa gown ni Stevens kaya hindi ito nakapasok kahit sa Top 21 man lang

- Pinatotohanan ng kanyang kapwa designers ang mga ginawa ni Michael para kay Miss Universe Canada at sa team nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ilabas ng MGmode Communications ang umano'y "terrible mistake" na nakipagtransaksiyon sila kay Michael Cinco para sa gown ni Nova Stevens, agad na umalma ang Pinoy designer.

Matatandaang nakasaad sa post nila na kinailangan pa raw remedyuhan ang isinuot na evening gown ni Miss Canada noong Miss Universe 2020 finals night noong May 16 dahil sa hindi magandang fitting nito sa kandidata.

Read also

Michael Cinco, umalma sa akusasyon ng pananabotahe mula sa kampo ni Miss Canada

Pinoy designers, pinagtanggol si Michael Cinco sa alegasyong pananabotahe
Michael Cinco (@michael5inco)
Source: Instagram

Ilang Filipino designers ang nagpatunay na hindi totoo ang alegasyong ito. Ibinahagi nina Jaggy Glarino at Bessie Besana ang mga ginawa ni Michael para mapaganda ang suot ni Stevens.

Si Jaggy ang isa sa Filipino designers na tumulong sa pagbuo ng outfits ni Miss Canada.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakipag-ugnayan umano si Michael kay Jaggy at sa stylists na sina Francis Chee at Vhee Co para gumawa ng outfit na gagamitin sana ni Miss Canada sa closed-door interview ng 69th Miss Universe.

Nakagawa umano sila ng outfit para kay Stevens ngunit hindi din nito ginamit ang gawa nila.

Malaki ang pasasalamat nila kay Michael na nabigyan sila ng pagkakataon na makagawa ng ganoong klaseng project.

Pinabulaanan nito ang alegasyong pananabotahe kay Miss Canada.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Miss Canada Nova Stevens, nilinaw na malaki ang pasasalamat kay Michael Cinco

Si Michael Cinco ay isang kilalang designer sa iba't-ibang panig ng mundo. Taong 1997 nang pumunta si Cinco sa Dubai at matagumpay na nakapagpatayo ng kanyang sariling fashion line noong 2003.

Ilan sa kanyang mga bigating naging kliyente ay sina Beyonce, Rihanna, Lady Gaga, Carrie Underwood, Kylie Minogue, Britney Spears, Christina Aguilera, Ellie Goulding, Nicole Scherzinger, Aishwarya Rai, Fergie Ferguson, Dita Von Teese, Brandy Norwood, Ashanti, Chris Brown, Tyra Banks at Naomi Campbell.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang inalmahan ni Cinco ang negatibong pahayag mula sa agency na may hawak kay Miss Canada kaugnay sa kanyang gown na ginawa para kay Stevens.

Matapos ang matinding pambabatikos na natanggap, nag-private ng kanyang Instagram si Miss Canada.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate