Gladys Reyes, itinanggi ang chismis na mineral water ang kanyang pampaligo

Gladys Reyes, itinanggi ang chismis na mineral water ang kanyang pampaligo

- May kumalat na bali-balitang may insurance ang kanyang legs na talaga namang kapansin-pansin ang pagiging flawless

- Nilinaw ni Gladys Reyes na hindi totoo ang chismis na ito na matagal na ring naging usap-usapan

- Pinasinungalingan din niya ang chismis na meniral water umano ang ginagamit niya sa kanyang pampaligo

- Aniya, sadyang naging maingat lang ang kanyang ina sa kanyang kutis mula nang bata pa siya kaya nadala niya na ang pag-iingat sa kanyang kutis hanggang sa kanyang pagtanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang pag-host sa Orabella Direct Selling Inc. mediacon, nilinaw ni Gladys Reyes ang ilan sa mga usap-usapang kumakalat tungkol sa kanya. Kabilang na nga dito ay may insurance daw ang kanyang legs.

Gladys Reyes, itinanggi ang chismis na meniral water ang kanyang pampaligo
Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Delivery rider, nabisto ang modus ng sender; muntik nang mag-abono ng Php2,100

Ayon sa ulat ng Push, maging ang tsismis na mineral water ang kanyang pinanliligo ay kanyang pinabulaanan.

Hindi po totoo. Chismis lang yun (laughs). At saka hindi rin totoo yung sinsasabi nila na naliligo ako ng mineral water, hindi po totoo yun. Chika lang yun.

Paliwanag niya ang kanyang ina umano ang naging maingat sa kanyang balat mula nang bata pa siya at nadala niya ang pag-iingat sa kanyang sarili magpa-hanggang sa kasalukuyan.

Dahil sa pagpapanatili nito ng kanyang kutis, naging endorser na rin siya ng iba't-ibang produkto lalo na ang mga pampaganda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Gladys ay sumikat dahil sa kanyang epektibong pagganap sa mga kontrabida roles. Isa siya sa pinakatinitingalang pinakamahusay na kontrabida sa mundo ng showbiz sa Pinas.

Ang kanyang pagganap bilang si Clara sa teleseryeng Mara Clara ang naging daan sa kanyang pagsikat sa pag-arte. Gumanap siya bilang kontrabida sa nasabing serye na pinagbidahan ni Judy Ann Santos na umere sa ABS-CBN.

Read also

Kris Bernal, sinabihan ang bashers na mag-unfollow na lang sa kanya

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinalaunan, lumipat siya sa GMA-7 kung saan nabigyan naman siya ng iba't-ibang oportunidad at TV shows. Kamakailan, ipinagtanggol ni Gladys ang asawang si Christopher matapos mabatikos kaugnay sa isyu ng pagsasara ng ABS-CBN.

Nagpaliwanag din ang aktres matapos umani ng mga reaksiyon mula sa mga netizens ang isang video ng kanyang bunsong anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel