Tyra Banks, muling pinuri ang mga Pinay matapos ang 69th Miss Universe

Tyra Banks, muling pinuri ang mga Pinay matapos ang 69th Miss Universe

- Hayagang pinuri ng American Supermodel na si Tyra Banks ang mga Filipina matapos ang 69th Miss Universe

- Sa kanyang Twitter, ibinahagi niya ang tweet ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray patungkol kay Rabiya Mateo

- Matatandaang nabanggit din ni Banks na tila hindi siya maka-getover sa "Lava walk" ni Catriona

- Hindi lamang ang mga Filipina beauty queens ang kanyang pinuri maging ang Pinoy shoe designer na si Jojo Bragais

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa Twitter world ang tweet ng American Supermodel na si Tyra Banks matapos na magbigay puri ito sa mga "Pinay Beauty Queens"

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Banks ang tweet ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray patungkol kay Rabiya Mateo.

Sa kanyang tweet na "Pretty Pinoy Power Forever!", masasabing maging ang "America's Next Top Model" executive producer ay humahanga sa kakayanan ng mga Pinay pagdating sa mga beauty pageants.

Read also

Ms. Bulgaria, tahasang sinabing di deserving si Ms. Universe Mexico sa korona

American Supermodel na si Tyra Banks, pinuri ang mga Pinay matapos ang 69th Miss Universe
Photo: Tyra Banks (@tyrabanks)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay puri si Banks sa mga Pinay.

Matapos namang makuha ni Catriona ang korona sa Miss Universe noong 2018, nag-tweet din si Banks patungkol sa "Lava Walk" ng pambato ng Pilipinas.

Nasabi rin nitong "TyTy approves" ang performance ni Catriona sa prestihiyosong pageant.

Hindi lamang ito, nagkaroon din ng pagkakataon na na-interview ng naturang Supermodel si Catriona.

Doon, naikwento mismo ni Catriona ang "pinch-me moment" niya at tila hindi makapaniwala sa papuring natatanggap mula kay Banks.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Tyra Banks ay isang American television personality, supermodel, businesswoman, actress, and writer. Mas nakilala siya bilang isa sa mga executive producer ng America's Next top model.

Read also

Catriona Gray at Andrea Meza, parehong nabigo sa Miss World bago naging Miss Universe

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bukod sa paghanga niya sa kagandahan ng mga Filipina, binigyang puri rin niya ang Pinoy shoe designer na si Jojo Bragais na siyang nagdisenyo ng eleganteng footwear ni Catriona at ng mga kandidata ng Miss Universe 2020.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel