Ms. Bulgaria, tahasang sinabing di deserving si Ms. Universe Mexico sa korona

Ms. Bulgaria, tahasang sinabing di deserving si Ms. Universe Mexico sa korona

- Tahasang sinabi ni Miss Universe Bulgaria na hindi raw deserving sa korona si Miss Universe 2020 Andrea Meza mula sa bansang Mexico

- Sa kanyang Instagram story deretsong sinabi nito kung sino para sa kanya ang dapat na nanalo at iyon ay si Miss Canada

- Inamin din nito na may mga paborito itong kapwa kandidata at kabilang dito si Rabiya Mateo na pambato ng Pinas

- Sinagot din nito ang isang Mexican follower nang sabihing ilalaglag siya ng mga ito dahil sa kanyang statement

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tahasang sinabi ni Miss Universe Bulgaria na si Radinela Chusheva na hindi raw deserving sa korona si Miss Universe 2020 Andrea Meza mula sa bansang Mexico.

Sa kanyang Instagram story kung saan nagpa-ask me a question si Radinela, ilang followers ang nagtanong dito tungkol sa nasabing pageant.

Isang netizen ang nagtanong dito ng: "Do you think Mexico deserve the crown?"

Ms. Bulgaria, tahasang sinabing di deserving si Ms. Universe Mexico sa korona
Photo: Miss Bulgaria Radinela Chusheva Ig Stories (@radinela.chusheva)
Source: Instagram

Isang "No!" ang isinagot dito ni Radinela at sinabing para sa kanya si Miss Canada Nova Stevens ang karapat-dapat na nanalo.

"She’s the best! It’s my icon! [heart emoji]," anito.

Isang netizen pa ang nagtanong ng: "Are you happy with the winner?"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"No!!" pa rin ang sagot ng kandidata mula sa Bulgaria at inaming mayroon siyang limang paboritong candidates at kabilang dito si Rabiya Mateo na pambato ng Pilipinas.

Sinagot din nito ang isang Mexican follower nang sabihing ilalaglag siya ng mga ito dahil sa kanyang statement.

"Here in Mexico you have a lot of fans! But with this comment I'm afraid that you are going to lost us," ayon sa netizen.

"Sorry not sorry! Im just telling you what I think! I was more than 10 days with 73 girls! Still don’t know which one was Mexico?! [laughing emoji]

"PS: Excuse my English! its not good,” prangkang sagot naman ni Miss Bulgaria.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa Pilipinas, ilang celebrities naman ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa resulta ng Miss Universe 2020, na una nang naiulat ng KAMI.

Isa namang fan ng ating pambato na si Rabiya Mateo ang nagwala matapos 'di makapasok ang kandidata sa Top 10 ng Miss Universe 2020.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel