Organizer ng isang community pantry, nawindang sa babaeng humihingi ng ayuda
- Nawindang ang isa sa may-ari ng isang community pantry matapos makatanggap ng mensahe mula sa isang babaeng nanghihingi ng ayuda
- Bukod sa hindi ito residente ng lugar kung saan ang pantry, gusto pa nito ay ipadeliver na lang sa kanila ang food packs
- Labing-anim na food packs ang hinihingi nito na hindi na umano kakayanin ayon sa organizer ng pantry dahil may napaglaanan na ng mga ayuda
- Sa kabila ng pagpapaliwanag ng organizer, sinabihan pa ito na puro yabang lang daw ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang organizer ng community pantry ang nagpahayag ng kanyang sama ng loob matapos siyang masabihang puro yabang lang.
Ibinahagi ng Facebook user na may pangalang Sofia M. Madrigal ang ilang screenshots ng naging pag-uusap nila ng isang babaeng nanghihingi ng ayuda mula sa kanilang community pantry.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil hindi naman ito residente ng lugar kung saan naitayo ang pantry, humirit pa ito kung pwedeng ipa-deliver na lang sa kanila ang kanyang hinihinging 16 na food packs.
Gayunpaman, pinaliwanag ng organizer na baka hindi na kayanin dahil may napag-laanan nang mga tao para sa kanilang food packs at hindi aabot ng 16 ang maibibigay niya.
Sa huli ay tila napikon ang babaeng nanghihingi ng ayuda at sinabihan pa ang organizer na puro yabang lang pala ito dahil hindi naman daw pala nito kaya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang community pantry ay nauso simula nang maisipan ng isang 26-anyos na si Ana Patricia Non na isang small-business owner ang paglalagay ng mga pagkain para sa mga taong walang mapagkuhanan ng kanilang makakain sa hirap ng buhay sa kasalukuyang sitwasyon bunsod ng pandemya.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Dumami ang mga tinayong community pantry sa iba't-ibang panig ng bansa. Maging ang ilan sa mga celebrities ay tumulong din sa pagtayo ng community party. Kabilang sina Pokwang, Paolo Ballesteros, Gabbi Garcia at Angel Locsin sa mga nakipagtulungan para makatulong sa pamamagitan ng community pantry.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh