Ivana Alawi, tinupad ang hiling ni Mama Alawi noong Mother's Day

Ivana Alawi, tinupad ang hiling ni Mama Alawi noong Mother's Day

- Labis na pinasaya ni Ivana Alawi at ng kanyang mga kapatid ang kanilang ina na si Mama Alawi noong Mother's Day

- Tinupad din nina Ivana ang isa sa mga matagal nang kahilingan ng kanyang Mama

- Sobrang saya ni Mama Alawi at labis na nagustuhan ang mga inihanda ng kanyang mga anak

- Binati at niregaluhan din ni Ivana ang kanyang ate na si Amira bilang isa na rin itong ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibininahagi ni Ivana Alawi ang Mother's Day Special vlog niya para sa inang si Mama Alawi.

Nalaman ng KAMI na labis itong pinaghandaan nina Ivana at mga kapatid na sina Hashim at Mona.

Sinigurado nina Ivana na mga paboritong Japanese food ang kanilang maihahain para sa ina.

Ivana Alawi, tinupad ang hiling ni Mama Alawi noong Mother's Day
Photo: Ivana Alawi (Ivana Alawi)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Donnalyn Bartolome, binura ang video sa YouTube dahil sa mga kaibigang napikon

Siya rin mismo ang gumawa ng makeup ng kanyang mommy at naghanda ng picnic style celebration nila.

Habang sila ay nagsasalo-salo, labis na nagpapasalamat si Mama Alawi sa mga anak na nilarawan niya na mababait talaga.

At lalong naging happy ang Mother's Day celebration ni Mama Alawi nang ibigay na nina Ivana Ang french bulldog na matagal nang hiling ng kanyang mama.

Narito ang kabuuan ng "Mother's Day Special" vlog mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13 million ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Heart Evangelista, masayang binahagi ang litrato ng kanyang mommy at asawa

Kamakailan ay ipinasilip ni Ivana ang laman ng kanyang bonggang customized van. Ikalawang bahay daw ito ng vlogger/actress dahil halos kumpleto ito sa kagamitan maging kama at kainan ay meron sa loob nito.

Ibinahagi rin ni Ivana sa kanya vlog ang ilang special recipes ng pamilya Alawi. Ibinida pa siya ng kanyang ina na talaga raw masarap magluto ang aktres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel