Ion Perez, ginupitan ni Vice Ganda matapos nitong hindi mamansin dahil sa paglalaro

Ion Perez, ginupitan ni Vice Ganda matapos nitong hindi mamansin dahil sa paglalaro

- Kinaaliwan ang panibagong vlog ni Vice Ganda kung saan napagtripan niya ang kanyang karelasyong si Ion Perez

- Sa sobrang abala nito sa paglalaro ng mobile games, hindi na nito napapansin si Vice Ganda

- Kaya naman, napagpasyahan ni Vice Ganda na gupitan ang buhok nito dahil mahaba naman din daw ang buhok ni Ion

- Wala nang nagawa si Ion kundi makisabay sa trip ni Vice at hindi rin ito nagalit dahil nagupit naman na umano ang buhok niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala nang nagawa si Ion Perez nang gupitan ni Vice Ganda ang kanyang buhok. Ito ay matapos siyang ilang beses na kulitin ni Vice ngunit hindi niya ito pinansin dahil sa sobrang tutok ito sa kanyang paglalaro.

Ion Perez, ginupitan ni Vice Ganda matapos nitong hindi mamansin dahil sa paglalaro
Ion Perez and Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Angeline Quinto, pinakita ang mga gamit niyang ibebenta sa kanyang live selling

Aminado si Vice na kinabahan siya sa magiging reaksiyon ni Ion ngunit masaya siyang hindi ito nagalit sa kanya.

Ayon kay Ion, wala naman na siyang magagawa dahil nagupit na nito ang kanyang buhok.

Maging ang isa pang kasama nila sa bahay ay hindi nakaligtas matapos mapansin ni Vice na natawa ito sa gupit ng TV host kay Ion.

Panoorin ang buong video dito:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Annabelle Rama, hindi nakatulog nang mabalitaang ang pagkamatay ni Ricky Lo

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Biguela.

Kasunod nito ay agad na humingi ng dispensa ang dalawa matapos silang patawan ng suspensiyon at pinagmulta ng talent agency na may hawak sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel