4-anyos, aksidenteng naka-order ng maraming popsicle na umabot sa ₱125,000 ang halaga
- Pinagkaguluhan online ang nagawa ng isang apat na taong gulang na batang lalaki na aksidenteng naka-order ng maraming popsicle
- Umabot sa nasa 918 na piraso ng "Spongebob popsicles" ang kanyang na-order
- Dahil dito, tumataginting na $2,618 o ₱125,000 ang kabuuang halaga ng mga popsicle
- Ginawan nila ito ng "GoFundMe" account at natulungan silang bayaran ang napakalaking halaga nang dahil lamang sa mga popsicles
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang nagawa ng apat na taong gulang na si Noah Ruiz kung saan aksidente siyang nakapag-order ng mga popsicle na umabot ang halaga sa $2,618 o ₱125,000.
Nalaman ng KAMI na mismong ang ina ni Noah na si Jennifer Bryant ang nagbahagi ng nagawa ng anak na alam niyang hindi naman nito sinasadya.
Laking gulat na lamang nila kasi nang dumating ang tatlong malalaking kahon mula sa Amazon na naglalaman ng 918 na mga popsicle sa bahay ng kanyang tita.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nakita ng isa sa mga magulang ng kaklase ni Noah ang viral post kaya naman naisipan nitong gumawa ng "GoFundMe" account ang bata.
Makakatulong ito upang mabayaran ng ina ni Noah ang kabuuang halaga ng mga popsicle lalo na at hindi na ito maari pang ibalik sa Amazon.
Nito lamang May 4, nakumpleto na nila ang pambayad at patuloy pa rin ang pagdating ng tulong para kay Noah.
Labis talaga itong ipinagpapasalamat ni Jennifer dahil hindi nila inaasahang bubuhos ang tulong sa anak niyang si NOah na mayroon pa lang ASD (austim spectrum disorder).
Sa ngayon, umabot na sa $10,660 o ₱510,800 ang pumasok na tulong para kina Noah at Jennifer.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, hindi nalalayo sa nagawa ni Noah ang nagawa rin ng isang tatlong taong gulang na bata sa Pilipinas na naka-order ng magagandang klaseng laruan online.
Nagulat na lamang ang kanyang pamilya nang dumating ang mga malalaking kahon na naglalaman pala ng na-order nitong motorbike na de-remote control at toy truck na mayroong pedal.
Sinubukan nilang i-cancel ito ngunit naawa na rin sila sa nag-deliver kaya naman napagbayad na lamang ang ilang miyembro ng pamilya ng bata.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh