Viral beatboxing twins, pinatayuan ng bahay ang kaanak mula sa unang sahod sa YT

Viral beatboxing twins, pinatayuan ng bahay ang kaanak mula sa unang sahod sa YT

- Kahanga-hanga ang tinaguriang beatboxing twins ng Cebu dahil napatayuan nila ng bahay ang isa nilang kamag-anak

- Ito ay mula umano sa unang sahod na natanggap nila mula sa kanilang YouTube channel na "Agaw Jake&Joemar TV"

- Imbis na pansarili lamang ang kanilang inisip sa natanggap na biyaya, minabuti nilang ibahagi ito sa kamag-anak na wala pang sariling bahay

- Kitang-kita ang saya sa kambal dahil alam nilang nakatulong sila sa kanilang mga mahal sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mas lalong kahanga-hanga ang nagawa ng tinaguriang "beatboxing twins" ng Cebu na sina Jake at Joemar Canencia sa kanilang unang natanggap na sahod mula sa kanilang YouTube channel na "Agaw Jake&Joemar TV"

Nalaman ng KAMI na imbis na pansarili lamang nila ang natanggap na biyaya, minabuti ng kambal na ibahagi ito sa kanilang kaanak.

Read also

Viral na lolang naiyak sa community pantry, may matindi palang pinagdadaanan

Ilang buwan na ang nakararaan nang ibahagi nila ang vlog kung saan sinabi nila na patatayuan nila ng bahay ang isa nilang kamag-anak.

Beatboxing twins ng Cebu, pinatayuan ng bahay ang kaanak mula sa unang sahod sa YT
Sina Jake at Joemar Cacencia (Photo from Agaw Jake &Joemar TV)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Wala pa raw kasi itong sariling bahay kaya naman tinupad ng kambal ang kahilingan ng kaanak upang hindi na ito makitira pa.

Ang kambal mismo ang kasama sa pagbili ng mga materyales sa pagpapatayo ng bahay.

Mapapansin na masayang-masaya ang dalawa na nakapagbahagi sila ng biyaya

Narito ang kabuuan ng video mula mismo sa kanilang YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan lamang ay muling nag-viral ang kambal dahil hinangaan sila maging ng Holywood Star na si Will Smith.

Matapos ito, sinurpresa rin sila ni Raffy Tulfo kung saan naging panauhin sila ng programa nito na 'Wanted sa Radyo.'

Read also

Raffy Tulfo, sinurpresa ang beatbox twins ng Cebu na hinangaan din ni Will Smith

Bukod sa tulong pinansyal, bibigyan din sila ng magandang klase na laptop upang mas maayos ang pag-edit at pag-upload nila ng videos sa kanilang YouTube channel.

Maging ang pinsan nila na siyang editor ng kanilang mga videos ay nabiyayaan din ni Tulfo ng magandang klase ng camera.

Sinabi rin ni Tulfo na susuportahan nito ang kambal upang mapalago din nila ang kanilang mga subscribers sa YouTube.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel