DoNekla, muling umalma sa malisyosong espekulasyon kay Super Tekla

DoNekla, muling umalma sa malisyosong espekulasyon kay Super Tekla

- Matapos ang mga espekulasyon tungkol sa pagpayat ni Super Tekla, minabuti nilang dalawa na ipakita ang kanilang ginagawa na nakapagpapayat sa komedyante

- Bukod sa biking, nag-eehersisyo din ang dalawa at maging ang pagkain ni Tekla ay kanyang binawasan

- Matatandaang nauna nang sinagot ng dalawa ang tungkol sa isyung ito at sa umano'y pagbabalikan nina Tekla at Michelle

- Pinaliwanag din nilang napagpasyahan ni Super Tekla na magpapayat dahil na rin sa maraming mga komento tungkol sa kanyang pagtaba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minabuti nina Super Tekla at Donita Nose na ipakita ang kanilang mga ginagawa sa gitna ng quarantine restrictions.

Kahit nakasakay sa kani-kanilang mga bike ay suot pa rin nila ang face mask bilang pagsunod sa health protocols na pinapatupad.

DoNekla, muling umalma sa malisyosong spekulasyon kay Super Tekla
DoNekla
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Derek Ramsay, umamin na siya ang nakipaghiwalay kay Andrea Torres

Ayon pa kay Donita Nose, kaya talaga napagpasyahan ni Tekla na magpapayat ay dahil sa pagdami ng komentong tumataba umano ito at hindi magandang tingnan.

Nang magbunga ang kanyang pagpupursige na pumayat, mayroon namang nasabing baka umano bumalik sa paggamit ng pinagbabawal na gamot ang komedyante na mariin naman nilang pinabulaanan.

Matatandaan ding isa sa espekulasyon na lumabas ay nakipagbalikan na umano si Tekla sa ina ng kanyang anak at dating live-in partner na si Michelle Bana-ag.

Muli ay pinabulaanan iyon ni Tekla at sinabing kaya lamang siya nakikipagkita kay Michelle ay para sa anak nilang si Angelo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Read also

Jayzam Manabat, humingi ng dispensa sa mga lalaking nadamay sa kanyang nagawa

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang napilitang sumagot si Super Tekla tungkol sa kanyang ex nang tanungin siya kung mahal niya pa ba daw ito.

Samantala, nagbigay ng babala sina Donita at Tekla matapos umanong nakawin ang kanilang YouTube video at pinalabas sa Facebook

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel