DonEkla, gigil na gigil sa taong nagnakaw umano ng kanilang video

DonEkla, gigil na gigil sa taong nagnakaw umano ng kanilang video

- Hindi napigilang sumama ang loob nina Super Tekla at Donita Nose sa nangyari sa kanilang video sa YouTube

- Naapektuhan ang views ng kanilang video dahil imbes na panuorin ang kanilang video ay napanood na ito sa ibang account

- Gumagawa na umano sila ng hakbang para mapanagot at matunton ang taong gumawa niyon sa kanila

- Hiniling din nila na sana ay matulungan sila ng mga viewers nila na ma-report ang Facebook page na kumukuha ng kanilang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inilabas ng magkaibigang Donita Nose at Super Tekla ang kanilang sama ng loob sa taong kumuha ng video nila sa YouTube at ibinahagi sa Facebook.

Ikinasama ng loob nila na umabot lang ng 1.3 million ang views nila sa YouTube samantalang yung ibinahagi sa Facebook nang walang pahintulot mula sa kanila ay umabot ng mahigit tatlong milyon.

Read also

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

DonEkla, gigil na gigil sa taong nagnakaw umano ng kanilang video
DonEkla
Source: Facebook

Pakiramdam nila ay hindi patas ang ginawa sa kanila dahil sila ang naghirap para mag-isip para sa content na iyon kung saan kinailangan umiyak ng anak ni Super Tekla na si Aira para i-prank ang kanyang ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa kanila, gumagawa na sila ng hakbang para mapanagot at matunton ang taong gumawa nito sa kanila.

Maging si Aira ay dismayado at sinabing sana ay matuto na lang gumawa ng kanilang sariling video ang mga taong gumagawa ng hindi magandang gawain.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinakiusap din nilang sana ay tulungan silang ma-report ang Facebook Page na nagpapanggap na sila at maging ang kanilang logo umano ay ginamit nito.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Ogie Diaz, nagbigay ng payo sa mga artista kaugnay sa mga blind item

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Kamakailan ay isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel