Derek Ramsay, umamin na siya ang nakipaghiwalay kay Andrea Torres

Derek Ramsay, umamin na siya ang nakipaghiwalay kay Andrea Torres

- Hindi na pinagkaila ni Derek Ramsay na siya mismo ang nakipaghiwalay kay Andrea Torres

- Ito ay dahil umano pagkakaiba sa mga bagay na kanilang pinaniniwalaan at pinapahalagahan

- Pinanghihinayangan ni Derek na hindi niya personal na nakausap si Andrea nang maghiwalay sila

- Ito ay dahil sa telepono lang sila nagkausap noong mapagpasyahan nilang maghiwalay na sinang-ayunan naman umano ng aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mga pambabatikos bunsod sa kanyang mga naging desisyon sa pakikipagrelasyon, hindi nag-atubili si Derek Ramsay na ilabas ang katotohanan sa paghihiwalay nila ni Andrea Torres.

Sa isang panayam kay Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Per Minute na umere kahapon, April 20, binahagi ni Derek Ramsay na siya ang unang nakipaghiwalay kay Andrea.

Derek Ramsay, umamin na siya ang nakipaghiwalay kay Andrea Torres
Derek Ramsay (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jayzam Manabat, humingi ng dispensa sa mga lalaking nadamay sa kanyang nagawa

Aniya, ito ay dahil sa pagkakaiba ng kanilang paniniwala.

Hindi naman umano niya sinasabing mali ang paniniwala ni Andrea at gayundin ang kanya ngunit magkaiba ang kanilang kinalakihang paniniwala at hindi na umano nila gustong baguhin ang paniniwalang iyon.

Isa umano sa pinanghinayangan ni Derek ay naganap ang lahat sa pamamagitan lamang ng kanilang pag-uusap sa telepono.

"So, ako yung nakipagkalas. Sa phone po namin… 'yon lang yung siguro kung may regret ako is that it came up over the phone. Actually, dapat magkikita kami noon, ang nangyari, it came up over the phone, pero with no disrespect. Hindi namin dinisrespect ang isa’t isa. She agreed also."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Derek Ramsay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Read also

Jelai Andres, nagpapasalamat sa mga babaeng nagsumbong sa kanya tungkol sa asawa

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel