Toni Fowler, sinupalpal ang netizen na sinabihan siyang nakikialam

Toni Fowler, sinupalpal ang netizen na sinabihan siyang nakikialam

- Hindi inatrasan ni Toni Fowler ang komento ng isang netizen matapos niyang magsalita sa isyu nina Jayzam Manabat, Camille Trinidad at dalawang babaeng nagreklamo sa magkasintahan

- Nagbahagi siya ng kanyang opinyon matapos siyang pagsalitain ni Raffy Tulfo hinggil sa isyu

- Sinagot ni Toni ang netizen na tinanong ang kanyang opinyon kaya siya nagsasalita

- Agad na umani ng maraming reaksiyon ang palaban na komentong ito ni Toni

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinupalpal ni Toni Fowler ang isang netizen na pinagsalitaan siya matapos niyang magbahagi ng kanyang pananaw hinggil sa isyu nina Jayzam Manabat, Camille Trinidad at mga babaeng nagreklamo sa magkasintahan.

Toni Fowler, sinupalpal ang netizen na sinabihan siyang nakikialam
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinanong siya ng isang netizen kung bakit daw siya kasali at dapat umano ay huwag itong sumali dahil hindi niya naman isyu iyon. Binanggit pa nito ang tungkol sa dating karelasyon ni Toni na Rob Moya na naging kontrobersiyal din dahil sa kanilang paghihiwalay kamakailan lang.

Read also

Toni Fowler, pinangaralan ang mga babaeng nasangkot kay Jayzam Manabat

Sinupalpal ito ni Toni at sinagot na kaya siya nagsalita ay dahil tinatanong ang opinyon niya. Binanatan niya rin ang netizen at tinanong kung tinatanong ba ang opinyon nito. Tinawag niya rin itong "pakialamera."

Toni Fowler, sinupalpal ang netizen na sinabihan siyang nakikialam
Screenshot from Raffy Tulfo in Action/YouTube
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook account, muling naghayag ng kanyang saloobin si Toni tungkol sa kanyang pagsasalita sa show ni Raffy Tulfo.

Oh naki comment lang ako wala akong paki kung sabihan nyo ko ng pakialamera its a free country

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Dumami ang sumuporta sa kanila at maging sa ibang kasamahan nila sa Toro family.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Jayzam Manabat, humingi ng dispensa sa mga lalaking nadamay sa kanyang nagawa

Naging viral kamakailan si Toni matapos niyang ibahagi ang kanyang bagong hairstyle. Naging usap-usapan din ang reaksiyon ni Rob Moya matapos ang paglabas ng mga litrato ni Toni.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel