Kim Chiu, pinakilig ang KimXi fans sa kanyang pagbati sa mommy ni Xian Lim

Kim Chiu, pinakilig ang KimXi fans sa kanyang pagbati sa mommy ni Xian Lim

- Binati ng ni Kim Chiu ang mommy ni Xian Lim na kilala bilang si Mommy Mary Anne sa kaarawan nito

- Pinasalamatan naman niya si Kim sa bouquet na red roses na binigay nito na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account

- Sinagot din ni mommy ni Xian ang note ni Kim sa kanyang bouquet at sinabi nitong mahal din nila si Kim

- Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ang mommy ni Xian ng kanyang pagkagiliw sa girlfriend ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang kinilig sa pagbati ni Kim Chiu sa Mommy Mary Anne ni Xian Lim para sa kaarawan nito. Pinasalamatan nito si Kim at sinabi nitong mahal din nila si Kim.

Mommy ni Xian Lim, pinasalamatan si Kim Chiu sa pagmamahal nito sa anak niya
Kim Chiu (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ina ni Geneva Cruz, pumanaw na matapos ang paglubha ng kalagayan sa ospital

Belated Happy birthday to the person with so much grace, wisdom, intelligence and beauty!❤️ Wishing you happiness and many more birthdays to celebrate together! stay young as always! Happy birthday tita @mommymaryanne

Nagpasalamat naman si Mommy Mary Anne para sa napaka-sweet na pagbati ni Kim sa kanya na may binigay pang bulaklak sa kany.

Marami ang natuwa sa sweetness ng future mother-in-law ni Kim sa kanya.

Maraming beses na ring nagbabahagi si Mommy Mary Anne ng mga litrato nila na kasama si Kim sa mga lakad nila at maging sa simpleng okasyon sa kanilang bahay.

Kasama din siya sa bakasyon nina Xian at Kim noong Valentines Day.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Vice Ganda at Ion Perez, deadma sa mga patutsada ni Buknoy Glamurrr

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel