Barangay chairman, ipinanghingi na ng abuloy ang residenteng nasa ospital lang
- Masama ang loob ng pamilya ni Feliciano Fausto matapos na manghingi na ng abuloy ng barangay gayung buhay na buhay pa naman ito
- Mayroon daw nakarating na balita sa barangay chairman na yumao na si Fausto kaya nanghingi na sila ng abuloy
- Aminado naman ang kapitana sa pagkakamali gayung hindi muna niya kinumpirma ang balita
- Inaalam pa kung magsasampa ng kaukulang reklamo ang pamilya Fausto sa barangay official na nag-utos na mangolekta ng abuloy
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Aminadong galit ang mga kaanak ni Feliciano Fausto nang malamang ipinanghihingi na siya ng abuloy ng kanilang barangay gayung nasa ospital lamang ito at nagpapagaling.
Nalaman ng KAMI na mayroong sakit sa bato si Fausto at kasalukuyang naka-admit sa isang pagamutan sa Barangay Baybayabas, Talugtug, Nueva Ecija.
Katunayan, isang video ang nagpapakitang nakatatayo pa si Fausto hawak ang kanyang suwero at nakalalakad, patunay na buhay na buhay ito.

Source: UGC
Kaya naman ganoon na lamang ang sama ng loob lalo na ng mga anak ni Fausto nang kumalat sa kanilang lugar na yumao na ang ama.
"Nakakagalit po, masakit na masakit sa kalooban namin. Buhay pa po ang tatay namin inuutos na ng barangay captain namin na kumuha na ng abuloy," naiiyak na pahayag ni Nely Fausto-Pangyarihan, anak ni Feliciano.
Samantala, sa panayam naman ni Russel Simorio sa GMA Regional TV sa barangay captain, inamin nito ang kanyang pagkakamali.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon sa punong barangay na si Nelia Garillo, nakarating umano sa kanya ang balitang pumanaw na si Fausto ngunit ang kanyang kamalian ay hindi muna niya ito kinumpirma.
Sa halip, nag-utos na agad ito na mangolekta ng abuloy, bagay na ikinagalit ng pamilya Fausto.
Dahil dito, ibabalik na lamang ang mga nakolekta sa mga kabarangay nila.
Nagbabalak na magsampa ng kaukulang reklamo ang pamilya Fausto laban sa punong barangay na siyang nag-utos umano na manghingi na ng abuloy sa taong buhay pa.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, naglabas din ng saloobin si JV Ejercito patungkol sa mga komento ng ilang netizens kaugnay sa amang si dating Pangulong Erap Estrada nang ma-ospital ito sa COVID-19.
Tulad nang nangyari kay Fausto, ilan sa mga netizens ang nagbahagi ng hindi magandang balita tungkol sa kalagayan ng dating pangulo na inalmahan naman ng kanyang anak.
Kasalukuyan pa ring nasa ICU ang dating pangulo matapos kakitaan ito ng lung infection.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh