Celebrity couple Ogie Alcasid at Regine Velasquez, nabakunahan na sa QC

Celebrity couple Ogie Alcasid at Regine Velasquez, nabakunahan na sa QC

- Ibinahagi ni Ogie Alcasid na sila ay nabakunahan na kontra-COVID ng asawang si Regine Velasquez

- Sa kanyang Instagram post noong April 17, ipinakita pa ni Ogie nang turukan sila ng vaccine, na ayon dito ay sa Quezon City

- Hinikayat naman ng batikang singer at songwriter ang publiko na magpabakuna rin kontra sa virus

- Ayon kay Ogie, silang mag-asawa ay may comorbidities na kasali sa mga pangunahing prayoridad ng vaccines

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Ogie Alcasid na sila ng asawang si Regine Velasquez ay nabakunahan na kontra sa COVID-19 sa Quezon City.

Sa isang Instagram post ni Ogie noong April 17, ipinakita nito ang larawan nilang dalawa ni Regine habang binabakunahan.

Sa nasabing mga larawan, makikitang naka-thumbs up pa ang dalawa.

Celebrity couple Ogie Alcasid at Regine Velasquez, nabakunahan na sa QC
Photo: Ogie Alcasid and Regine Velasquez (@ogiealcasid)
Source: Instagram

Hinikayat naman ng batikang singer at songwriter ang publiko na magpabakuna rin kontra sa virus.

Read also

Kaye Abad, inaming type noon si Paolo Contis ngunit ayaw ng nanay nito sa kanya

Ayon kay Ogie, silang mag-asawa ay may comorbidities na kasali sa mga pangunahing prayoridad ng vaccines.

Narito ang kabuuan ng post ni Ogie:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Kaming mag asawa ay may comorbidity kaya nakakuha po kami sa qc ng slot at kami ay napabakunahan na. Sa mga taga QC, download po natin ang EZ consult app para maka rehistro na po tayo at antayin natin ang abiso sa email natin. Ty QC gov’t. God bless us all."

Hindi nasabi kung anong bakuna ang itinurok sa celebrity couple ngunit batay sa mga reports, ang siyudad ng Quezon ay nakapagturok na ng Sinovac at AstraZeneca sa kanilang mga residente.

Sa kasalukuyan, ang gobyerno ay binabakunahan na ang mga mamamayang nasa ilalim ng A1 hanggang A3. Ito ay ang mga frontline workers, senior citizens at mga taong may comorbidities.

Read also

Community pantry sa Maginhawa, nagkaroon ng "domino effect" sa iba pang lugar

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, ginawang kanta ni Ogie ang "Lugaw is essential" matapos mag-viral ang isang video kung saan naging kontrobersiyal ang lugaw.

Ang misis naman nitong si Regine, hindi napigilang maging emosyonal dahil sa anak na si Nate ngayong may pandemya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone