Mary Pacquiao, ibinahagi ang isang virtual tour sa closet nila ng kapatid na si Queenie

Mary Pacquiao, ibinahagi ang isang virtual tour sa closet nila ng kapatid na si Queenie

- Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Mary Pacquiao sa kanyang YouTube channel

- Kumasa siya sa 24 hour Tagalog Challenge kung saan sinubukan niyang makipag-usap gamit lamang ang wikang Tagalog

- Aminado si Mary na hindi siya matatas sa wikang Tagalog maging sa Bisaya na kadalasang ginagamit ng kanilang mga magulang

- Ipinasilip din ni Mary ang closet nila ng kapatid na si Queenie Pacquiao na kasama niya rin sa isang silid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahit hirap sa pagsasalita gamit ang wikang Tagalog, pinilit ni Mary Pacquiao na pagtagumpayan ang kanyang 24 hour Tagalog Challenge.

Kasabay ng challenge niyang ito ay nagbahagi siya ng maiksing closet tour. Magkasama sila ng kapatid na si Queenie sa kanilang silid at maging sa closet.

Mary Pacquiao, ibinahagi ang isang virtual tour sa closet nila ng kapatid na si Queenie
Mary Divine Grace Pacquiao (@marypacquiao)
Source: Instagram

Aminado siyang hirap siyang mag-Tagalog at maging sa Bisaya na kadalasang gamit ng kanilang mga magulang kapag sila ay nag-uusap.

Read also

Kutsinta vendor na tinulungan ni Ivana Alawi, ipinakita ang nilipatang bahay

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami ang humanga sa pagiging mabait ng mga anak ni Senator Manny Pacquiao na maging sa kanilang mga kasamahan sa bahay ay may paggalang kapag kinakausap nila.

Hindi na pinakita ni Mary ang iba pang bahagi ng kanilang bahay dahil nakatakda umanong ibahagi ng kanyang Mommy Jinky ang virtual house tour sa bahay nila sa pamamagitan ng YouTube channel nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang ama ni Mary na si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

Pinagtuunan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Read also

Kapuso actress na si Krystal Reyes, walang kaarte-arteng sumabak sa live selling

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay pinagdiwang ni Jinkee ang kanyang ika-42 na kaarawan sa Batangas. Ikinatakot ng maybahay ni Manny ang sorpresang inihanda para sa kaarawan niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel