Hashim Alawi, muling na-prank ang kanyang mga kapatid at ina

Hashim Alawi, muling na-prank ang kanyang mga kapatid at ina

- Marami ang naaliw sa bagong video na ibinahagi ni Hashim Alawi sa kanyang YouTube channel

- Dahil sa maraming mga request ng mga followers niya ay napagpasyahan niyang pagbigyan ang mga ito

- Naghanda siya ng prank para sa kanyang ina at sa kanyang mga kapatid na sina Mona at Ivana Alawi

- Muntik naman mapikon si Ivana sa prank na iyon ng kanyang kapatid dahil hindi naman siya umano gumagawa ng ganoong klase ng prank

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng mga subscribers ni Hashim Alawi ang bagong prank video na kanyang ginawa sa kanyang mama at mga kapatid na sina Mona at Ivana Alawi.

Pinag-bake niya ang mga ito at kunwari ay kailangan nilang i-judge ang kanyang ginawa.

Hashim Alawi, muling na-prank ang kanyang mga kapatid at ina
Hashim Alawi (@hash.alawi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Bea Alonzo, pinatunayang organize siya matapos sabihin ng nanay na burara siya

Lingid sa kaalaman nila ay may nilagay palang sibuyas at bawang si Hashim sa cupcakes na kanyang ginawa. Naghanda pa ito ng coke na may toyo para sa kanilang inumin.

Naunang nabiktima si Mona at kitang-kita na pinipigil na magbitiw ng hindi magandang koment sa nilutong cupcake ng kanyang kuya.

Si Ivana naman ay hindi napigilang pagsalitaan ang kapatid nang malamang na-prank lamang pala siya nito.

Narito ang reaksiyon ng ilang mga netizens sa nakakaaliw na video na ito ng mga Alawi:

I love how Ivana tries hard not to hurt Hash's feelings while tasting his cupcakes, but then her eyes don't lie. Di talaga siya nasarapan sa kinain niya.
Sobrang bait ni Mona Gusto nya i-cut yung video para masabihan niya yung Kuya niya ng honest opinion nya and to help him bake. So sweeet na kapatid. Lucky Hash!
Ang galing mag prank ni Hash! Natural prankster sya! For the next challenge: Ignoring both Ivana and Mona for 24 hours kasama si Mama Alawi!

Read also

Kris Aquino, mamimigay ng P10,000 para sa 28 na mapipiling netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Hashim Alawi ay kapatid ng aktres na sumikat sa kanyang mga YouTube videos. Matapos ang ilang beses na paglabas niya palagi sa mga video ng kapatid, marami ang humanga sa kanya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay sinorpresa ni Ivana si Hashim sa pamamagitan ng pakikipag collab nito kay Donnalyn. Unang beses na inamin ni Hashim na hinahangaan niya si Donnalyn sa isang vlog ni Ivana kung saan naibunyag nito ang tungkol sa paninigaw sa kanya ng isang TV host.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel