Fierce! China Roces, pinangaralan si Jelai Andres sa gitna ng isyu kay Badger

Fierce! China Roces, pinangaralan si Jelai Andres sa gitna ng isyu kay Badger

- Tila hindi naiwasan ng vlogger na si China Roces na pangaralan ang kaibigang si Jelai Andres

- Ito ay kaugnay pa rin ng mainit na isyu ni Jelai at ng asawa nitong si Jon Gutierrez

- Matapang na sinabi ni China sa isang Facebook post na hayaan nalang daw ang mga 'basura' kasama ang larawan nila at ng ex nitong si Tim Sawyer

- Nag-viral si China at Tim noong isang taon matapos ang isang kontrobersiyal na FB Live

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapang ang naging advice ng dating FHM model at ngayon ay social media influencer na si China Roces sa kapwa vlogger na si Jelai Andres.

Kaugnay pa rin ito ng mainit ng isyung kinakasangkutan ni Jelai at ng asawa nitong si Jon Gutierrez o kilala bilang si King Badger.

Read also

Derek Ramsay, ibinahagi ang 'bonding moment' nila ng baby boy ni Ellen Adarna

Sa isang Facebook post ni China noong April 5, makahulugan ang naging banat nito. Kasama sa post ang larawan nila na kuha noong kasal nina Jelai at Jon, kasama ang ex-partner nito na si Tim Sawyer.

Fierce! China Roces, pinangaralan si Jelai Andres sa gitna ng isyu kay Badger
Photo: China Roces
Source: Instagram

Kapansin-pansin ang emoji na nakapatong sa mukha ni Tim. Ani China sa caption:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Bebe Jelai Mas madami pa higit sa kanila! Promise! Pagbasura bigay mo na sa basurera."

Noong isang taon, nag-viral sina China at Tim matapos ang kontrobersiyal na FB Live. Ayon kay China, nagtatago raw ng pera sa kanya si Tim.

Isang model at YouTube vlogger din ang nadawit sa eskandalo ng dalawa. Itinanggi ito ng babae na nakilalang si Trina Valentin. Itinanggi rin ni China ang pagkakasangkot ni Trina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Photo meme nina Jessy at Luis kasama sina Angel at Jennylyn, viral

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, mukhang happy ang love life ni China sa ngayon matapos ang paghihiwalay nila ni Tim.

Sa isang video na ibinahagi nito sa FB, makikita ang pagdalaw ng isang lalaki na nagpakilalang si Mr. Anonymous. Hindi pa pinangalanan ni China ang manliligaw pero dati na rin itong napanood sa video ni China.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel