Walong doktor, itinuloy ang open-heart surgery kahit nasusunog na ang bubong ng ospital

Walong doktor, itinuloy ang open-heart surgery kahit nasusunog na ang bubong ng ospital

- Matapang na itinuloy ng nasa walong doktor at mga nurse ang operasyon sa pasyente kahit nasusunog na ang ospital

- Nagsimula ang sunog sa bubong ng pagamutan sa kasagsagan ng open heart surgery

- Inabot ng nasa dalawang oras bago tuluyang mapatay ang apoy

- Matapos ang matagumpay na operasyon, nailipat na rin agad sa malapit na ospital ang pasyente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan online ang nasa walong doktor at nurses na buong tapang na itinuloy ang open heart surgery kahit nasusunog na ang ospital.

Nalaman ng KAMI na sa bubong ng ospital sa Blagoveshchensk sa Moscow, Russia nagsimula ang sunog habang nakasalang na sa operasyon ang pasyente.

Sa ulat ng Reuters, gumamit ng mga fan ang ospital upang maituloy ang surgery. At dahil wala nang kuryente sa pagamutan, gumamit na sila ng power cable para mag-supply ng elektrisidad.

Read also

Ama na may sintomas ng COVID, dinala ng anak sa 11 na ospital bago ma-admit

Walong doktor, itinuloy ang open-heart surgery kahit nasusunog na ang bubong ng ospital
Photo from Governor of Amur Region
Source: UGC

Inabot din ng dalawang oras ang matagumpay na operasyon kahit lubhang mapanganib na ang kanilang kalagayan.

"There's nothing else we could do. We had to save the person. We did everything at the highest level," pahayag ng surgeon na si Valentin Filatov sa panayam sa kanya ng REN TV.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nakunan pa ng larawan ang mga doktor at nurses sa operating room na tila hindi alintana ang nangyayaring sunog.

Matapos ang operasyon, agad na nailipat ang naoperahang paseyente sa malapit na pagamutan.

Samantala, maayos naman namang nailikas ang nasa 128 na tao sa ospital at wala ring naiulat na nasaktan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Pahayag ng sinasabing brgy. personnel sa "lugaw issue", kalat na sa socmed

Tunay na maituturing na mga bayani ang mga doktor, nurses at iba pang medical staff lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya.

At ngayong patuloy na namang tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, masasabing buwis-buhay pa rin talaga ang mga medical frontliners lalo na at napupuno na naman ang mga pagamutan.

Tulad ng mga doktor at nurses na ito sa Russia, sadyang kahanga-hanga ang katapangan ng mga medical frontliners na kahit lubhang mapanganib din para sa kanila ay handa silang tuparin ang sinumpaang tungkulin dala na rin ng pagmamalasakit sa kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica